Wala namang mali sa pagtatanong diba? Pero bakit may mga taong minamaliit yung mga nagtatanong sa kanila? Kung di ka ba naman kupal eh. Bakit mo gagawin yun? Mayabang ka kasi, yun yon!
Nasabi ko nang okay lang magyabang pero dun lang sa mga bagay na "ikaw" yung dahilan. Halimbawa, gumawa ka ng milagro, at iba pang tulad ng ganun. Meron ding kayabangan sa pagmamaliit ng ibang tao. Maling mali yan. Para sakin, malapit ka na sa isang demonyo kung ganun ka.
Maaaring ginagawa ko yan. Pero hindi sa mukha nila. Nag-oobserba kasi ako. Pag hindi ko nagustuhan at pag nakikita kong hindi maganda yun, edi ayoko dun. Pero yun nga, kung ipapamukha mong walang kwenta yung taong nasa harap mo, baka masapak kita at matanong kong "Demonyo ka ba, sabihin mo ang totoo!" Pero alam nating lahat na di ko magagawa yun kasi mahiyain ako.
Eto na ang totoo, minsan lang ako magsasabi tungkol sakin. Sensitibo ako. Mukha akong walang pakealam pero sa totoo lang nakikinig lang ako sa paligid ko. Meron akong pakealam, kung hindi lang ako mahiyain at kung makapal lang ang mukha ko, marami na kong kaaway. Marami na sana akong napagsabihan. Marami na sanang nagbago. Pero wala eh, sa pagsusulat lang ako umaabot. Sayang.
Nasabi ko nang mukha akong walang pakealam. Akala ko rin dati. Pero di pala. Sadyang nag-oobserba lang ako at hindi ko kaya diretsuhin yung mga taong gusto ko sana kausapin. May pakealam ako. Kaya yung mga simpleng bagay napapansin ko. At dahil sensitibo ako, napapansin ko rin yung mga pambabatikos sakin. Syempre di ko rin sinasabi na nasasaktan ako, sa totoo lang kasi wala akong pakealam.
Masasabi kong mahirap magpanggap. Pero siguro dahil sa karanasan ko, nasanay na rin. Nais ko ngayong magbago. At yun nga, kusa nang dumarating ang pagbabago. Minsan gusto kong madaliin ang buhay pero wala akong magagawa. Kung ganito ang takbo ng mundo wala akong magagawa. Kung may kapangyarihan lang ako eh.
No comments:
Post a Comment