"Anong course mo?" "San ka na mag-aaral?" Yan ang karaniwang tanong sa mga fourth year high school. Kung di mo pa masagot yan, pag-isipan mo na. Mahirap ma-hassle at maipit-ipit ka pa sa course at school mo. Pag wala ka pa talagang sagot sa ngayon, okay lang yan. Marami ka pang oras para mag-isip. Pero sa pag-iisip mo, may mga nasasayang ka rin na panahon at pagkakataon.
Tip ko lang sayo, pag-isipan mo mabuti lahat. Diyan nakasalalay future mo. Di pwedeng "Ah pwede nang dito na ko, pwede na diyan" Eto na yung pagkakataon para lakihan mo yung pangarap mo. Nasabi ko na nga, di porket may school ka may matino kang babagsakang trabaho. Maliban nalang kung spesyal ka talaga. Pero spesyal ka nga ba talaga?
Isipin mo kasi kung san ka magaling. Parang talent. Mahalagang alam mo talent mo para magamit mo. Sayang naman, maraming taong hindi nabibigyan ng pagkakataon makapag-aral ts ikaw magsasayang ka lang ng tuition sa kung saang school ts tatamad tamad ka lang. Nasabi ko na rin dati, pero para malaman mo yung talent mo, yun yung pag may pinagawa sayo, di ka mahihiya. ex pag pinakanta ka, dapat di ka nahihiyang kumanta, ganun lang yon.
Kung tingin mong matalino ka naman, sobrang makakatulong yan kasi parang compatible ka na kahit sa anong course. Pero syempre limitado. Basta pag pilian mo lang yung mga gusto mo, kung san ka magaling. Wag ka ng magdalawang isip dun sa mga pinipilit sayo, sundan mo yung gusto mo kasi ikaw naman yung mag-aaral hindi yung ibang tao.
Sa kalagitnaan ng school year nakakapressure talaga yan. Di yan maiiwasan, iexpect mo na. Lalo na pag naglalabasan na yung results. Kung hindi ka naghanda, expect for the worst. Pero wag ka rin masyado kabahan. Tsaka dapat alam mo na rin yun, di ka na nga naghanda eh alangan namang makuha mo pa masyadong mataas para sayo.
Dahil sabaw ako ngayon, yan lang muna mapapayo ko. At gusto ko pang magpayo pero sa susunod ko nalang isusulat. Gusto ko talagang makatulong pero tinatamad ako ngayon.
No comments:
Post a Comment