Saturday, 15 June 2013

Sikat Ka?

Kung ikaw yung taong mataas ang tingin sa sarili KASI meron kang tinitirang "sikat", masasabi ko nalang na ang immature mo. Wala akong pakealam kung vlogger ka o ginagawa mong meme yung mukha mo kahit mali yung pag gamit mo. Wala akong pakealam sayo. Hindi ko gusto yung mga taong naghahanap ng kakampi sa "fans" nila o yung mga taong sumusubaybay sa mga vlog mo. Ibig sabihin ba niyan ginagawa mo yung vlog mo para maghanap ng kakampi sa opinyon mo?

Ako, nagbblog ako kasi wala akong kausap. Gusto ko lang mashare dito kung ano yung naiisip ko. Minsan nagmumukha akong desperado maghanap ng kausap. Pero hindi ako natutuwa kapag may naaawa sakin. Ayoko sa mga taong sumusunod nalang palagi dun sa mga sikat. Yung porket marami siyang fans eh pinaniniwalaan na siya agad. Kasi nakakatawa siya. Kasi maganda/pogi siya. Ayoko dun sa mga taong nanggagamit at dun sa mga taong nagpapauto. Wala ka man lang sariling opinyon sa buhay mo? Puro ka nalang panggagaya? Wala kang patutunguhan niyan parekoy.

Kaya hindi ako nagpopost ng picture ko sa facebook/twitter o sa blog kong to kasi ayokong may sumusunod sakin. Hindi ko kailangan ng fans. Nakakauto kasi yan eh. Sa totoo lang wala akong hinihintay na taong darating sa buhay ko. Masaya siya kung mangyari man pero hindi yun yung goal ko dito. Nagbblog ako kasi maaaring makatulong. Ayokong sumikat kasi minsan sila pa yung mga inaayawan ng tao. Pag maraming fans marami ring haters. Wala lang akong oras problemahin yan.

Nagbblog ako ngayon kasi may nakita ako. Nakakapikon eh. Wala akong tinitirang tao. Sinasabi ko lang to para dun sa mga taong nagbabasa dito, na kung ikaw yung taong nais lang sumikat tapos gagamitin mo yung itsura mo o kung anong parte ng pangangatawan mo o basta kung ikaw yung taong gumagawa ng kalokohan para sumikat, kung ako sayo wag mo na ipagpatuloy yan. Wag mong gawing kalokohan yung buhay mo para tanggapin ka ng ibang tao, sinasabi ko na sayo hindi sulit yan.

Magulo ako ngayon, alam ko, marami kasing pumapasok agad sa isip ko eh. Pero eto lang masasabi ko, at uulit ulitin ko pa kung kailangan: hindi mo kailangang sumikat para tanggapin ka ng ibang tao. Wag kang magpakain sa kasikatan. Kung nais mong magserbisyo, mag-umpisa ka sa maliliit na bagay. At hindi mo rin kailangang manira ng iba. Maling mali manira ng ibang tao. Mali rin ang pagkkwento kahit kanino, lalo na sa blog mo yung tungkol sa mga taong naging parte ng buhay mo. Wala namang may pakealam sa buhay mo eh. Maliban nalang kung may stalker ka. Pero seryoso wag. Sinisira mo lang pangalan mo.

No comments:

Post a Comment