Inaamin kong nega ako mag-isip. Sa totoo lang parehas. Mahirap kasi yung lagi kang positibo ts yung hindi mo inaasahan, nandiyan na sa harap mo, hindi mo na tuloy alam gagawin. Pag lagi ka namang negatibo, ang hirap i-enjoy yung moment, lagi kang may iniisip. Pero mahalaga rin naman ang pag-iisip diba? At least hindi ka mukhang tanga.
Pero kahit ganun, dapat pili yung mga bagay na pinag-iisipan mo nang masama o mabuti. Wag mong sobrahan, sinasabi ko na sayo para hindi ka na tumulad sakin. Tingin ko naman nasa tao na rin yan eh. Kaya hindi na rin kita siguro mapipilit. Pero sasabihin ko nalang rin kung bakit ba ginagawa ang pag-iisip nang ganto.
Tahimik lang talaga ako sa personal. Marami akong iniisip. Hindi ko alam kung tamad akong makipag-usap o wala lang talaga akong masabi. Kaya sa pag-oobserba nalang ako magaling. At pag nag-oobserba, nag-iisip. Mahalaga yun. Napakahalagang mag-isip ka muna bago ka mag-settle dun sa napili mo. Diyan namumuo ang pagsisisi.
Simple lang naman yan eh. Kung hindi ka komportable sa sagot, maghanap ka pa. Hindi porket may isang nagsabi yun na yung paniniwalaan mo. May opinyon din naman yung iba, imposibleng wala. Isa pa, ang opinyon ay hindi ginagaya, nagkakataon lang talagang parehas ang naiisip ng dalawang tao sa isang bagay.
Sa totoo lang mahirap maging nega. Tulad ngayon. Mukhang seryoso at "nega" yung mga topic ko kasi mas madali siyang mapansin kesa dun sa mga magagandang bagay. Mas madali manghusga. Mas madali yung alam mo yung mali mo para hindi na gayahin ng iba. Ibig sabihin non, natuto ka.
Sa huli, ang pag-iisip nang masama ay hindi talaga masama. Mas ayos nga eh, nagmumukha kang matalino, pero opinyon ko lang naman. Pinapakita mo kasing kailangan sigurado ka. Hindi pwede yung wala kang alam, o kung may alam ka man, mali. Parang wala rin. Ang pagiging positibo naman, darating yan. May mga bagay na dumarating sa buhay natin na pwedeng magpasaya satin at darating din yung mga magpapalungkot satin. Normal na yan.
Uulitin ko, darating sa buhay natin ang lungkot at ligaya, positibo at negatibo. Pero nasa satin pa rin yan, kung pano tayo mag-isip. Pero eto ang tanong: Nag-iisip ka nga ba?
No comments:
Post a Comment