Saturday, 2 March 2013

Huli

Tapos na problema ko sa high school pero nandito naman problema ko sa college. Ang gulo. May mga batang pag tinanong mo kung ano gusto nila maging, sasabihin nila "ganto ganyan kasi GANYAN DIN SA MAGULANG KO." Nakaka-inggit. Kasi alam nila kung ano gusto nila at alam nilang ayos na sa magulang nila yun.

Sa lagay ko, hindi. Walang direksyon ang pangarap ko. Ang hirap. Ang hirap maiba. Yung as in ikaw lang naiiba sa kung nasaan ka. Wala kang kakampi. Ganoon yung pakiramdam. Walang sumusuporta sa desisyon mo. Kaya naiiwan ka. Ts walang makakatulong sayo kundi ikaw.

Ayos lang sakin magkaroon ng gantong problema. Pero yung tipong nakasalalay future ko dito, medyo alanganin na. Pikon ako sa mga taong nagrereact kung bakit ganto ako bakit ganyan. Di ako napipikon dahil may iniisip silang ganto sakin. Napipikon ako dahil sa kung paano sila mag-isip. Ang hirap iexplain eh. Yung mga simpleng desisyon mo, nagagalit sila. Edi sila nalang sana nabubuhay sa lugar ko. Ang hirap talaga ngayon, wala akong kasama.

Hindi lahat ng kaibigan mo, makakatulong sayo. Yung iba para lang masabihang may kaibigan sila. Nakakainis sa lahat yung akala niya close kayo at parang may pinagsamahan kayo. Eh kaso wala. Alamin mo kung san ka pwede. Di yung puro ka salita di mo alam nakakasakit ka na.

Siguro halos lahat ng problema ko ang dahilan ay ibang tao. Yung ugali nila. Alam kong wala akong magagawa pero nakakabadtrip eh. Tapos pinagsisiksikan pa nila sumali sa buhay mo. Ayoko. Wag. Lumayo ka sakin kung hindi kita hinihingi. Hindi naman sa namimili ako ng kaibigan pero kung alam mong may mali sa ugali mo, wag na.

Nababarda ako sa mga immature. Hindi sa bata ah. Sa isip bata. Yung wala ng ibang inisp kundi love life nila, issue ng mga kaibigan niya. Ang hirap sabihin nang walang masasaktan eh. Basta yung mga taong sarili lang nila iniitindi nila. Yung mga taong magsasalita na sila kahit di naman hinihingan ng opinyon. Di porket may kalayaan kang sabihin ang gusto mo, maninira ka na ng ibang tao.

Siguro nakalimutang ituro sayo ng magulang mo na mag-isip ka muna bago magsalita. Pero makiramdam ka kasi. Hindi yung kung ano nararamdaman mo yun yung masusunod. Hindi susunod sayo ang daloy ng mundo. Hindi ikaw ang boss dito at hindi ka bibigyan ng respeto kung manghihingi ka lang. Kailangan mong maghirap para makuha kung anong gusto mo.

No comments:

Post a Comment