Friday, 29 March 2013

Holy Week

Sa totoo lang, hindi ko alam kung pano talaga sine-celebrate ang Holy Week. Di ko alam kung bakit. Isa lang ang natatandaan kong pag-celebrate ng holy week. Bata pa ako nun at nasa probinsiya kami. Pinalabas kami nung kaibigan ng mama ko, tapos yun, yun lang ang pinaka-una at pinaka-huli(sa ngayon) na nakita kong prusisyon. Sabi namin pag Holy Week pupunta kami sa probinsya pero di ko alam kung bakit hindi na natuloy kailanman.

Sa mga nakaraang Holy Week netong high school ako, wala ako masyadong maalala. Siguro nga kasi wala naman kaming ginagawa at nasa bahay lang kami. Pero solid, wala ka talagang magagawa pag nandito ka sa bahay namin. Kahapon buong araw akong tulog, nung hapon na tripan kong mag computer at maglaro sa kongregate.com. Netbook lang kasi gamit ko at wala naman akong console. Ayoko talaga dito sa bahay pag bakasyon, lalo na pag Holy Week. Di naman kasi aktibo magulang ko pag may mga event dito sa Marikina.

Napansin ko rin yon. Sa totoo lang, hindi ko gusto kung pano ako lumaki. Hindi kasi dito lumaki magulang ko kaya kami yung tipong kakaunti lang ang kaibigan sa kapitbahay. Ibang iba kasi pag nasa probinsiya eh. Iba ibang bahay mapupuntahan mo kasi kakilala naman ng magulang mo yung nakatira dun. Pag kinumpara mo dito sa siyudad, tanging bahay mo at bahay lang nga kaklase mo ang mapupuntahan mo. At kung madamot pa magulang mo, di ka makakagala sa bahay ng kaklase mo unless may pasok. Ngayong fourth year lang kasi ako naging ganun. Pero seryoso, parang ang hirap. Kakaiba talaga.

Ayoko talaga ng summer. Eto kasi yung panahong kung saan saan ka ieenroll ng magulang mo. Kahit ayaw mo at napilitan ka lang. Naiinis kasi ako kasi parang wala akong tiwala. Di ko alam kung bakit. Ayaw ko lang na namimilit pag ayaw. Eh kaso yung magulang ko, iba mag-isip kesa sakin. Pero nakakagulat kasi pag naenroll na ako, masaya naman pala. Ayaw mo sa una pero pag nandun ka na okay lang pala at sulit naman pala.

 Nung summer bago mag second year, inenroll kami sa Sports Center na may sports clinic. Ayaw ko pa nun. Mahiyain nga kasi ako at hindi naman ako yung taong mahilig lumabas at makipag-interact sa iba. Di ko pa trip basketball nun kaya inenroll ako sa badminton. Ayos lang, kahit wala ako masyadong naging kaibigan. Di ko naman habol makipagkaibigan nun.

Nung summer naman bago third year, yun nga yung tutor ko. Napunta lang naman ako dun kasi ugok yung teacher ko sa math at bagsak kami lahat. Siguro nga dapat walang honor samin nun eh. Kaya yun, inenroll ako sa Math. Basta nakwento ko na yon.

Nakakainis. Naiinis ako sa magulang ko. Gusto kong mapatunayang kaya ko naman. Kaya nga gusto ko na magpasukan eh. Tsaka mas gusto ko sa college. Mas malaya ako sa paraang may napupuntahan akong kapakipakinabang pagkatapos ng school. Pag high school kasi delikado pumunta kung saan saan kasi pag napahamak ka maaapektohan ka pa sa school mo. Ganun din naman sa college pero iba pa rin.

Trip ko kasi yung may napupuntahang tahimik. Yung tipong walang pakealam yung mga tao kung nandun ka. Nung high school ako, lalo na nung fourth year, covered court ang trip kong tambayan. Di ko trip yung library namin kasi malayo tapos sa recess, di mo alam kung time na o hindi. Sa uwian naman, maaga nagsasara. Tsaka di ko trip yung may mga kakilala ka ts makikita ka nila sa library. Tapos gusto pa nila makipagkwentuhan, kaya ka nga nandun para magbasa eh.

Nung high school din ako, lalo na nung third year at fourth year, dun lang yung oras na natutunan kong dapat ako bumibili sa mga gamit ko, lalo na kung abot naman ng pera ko. Kaya naman medyo naging suki ako sa maliit na mall malapit sa school namin. Pero ayoko rin masyadong tumambay dun kasi nakakailang pag may nakakakita saking kilala ako. Eh ganun ako eh.

Di ko alam kung bakit naging flash back tong post na to. Siguro dahil sa pagpaplano ko sa mga ginagawa ko nung high school na hindi ko na gagawin sa college. Excited na talaga ako. Kating kati na ako. Siguro sobrang naging boring ang buhay ko lalo na netong Holy Week (kasi di kami lumalabas) at siguro sa iba pang linggo ng bakasyon ko. Ang bagal ng oras ngayon. Ganun siguro talaga pag naghihintay. Naghihintay rin ako ng pagbabago sa buhay ko. Sana dumating na.

No comments:

Post a Comment