Sa totoo lang, hindi ko alam kung pano talaga sine-celebrate ang Holy Week. Di ko alam kung bakit. Isa lang ang natatandaan kong pag-celebrate ng holy week. Bata pa ako nun at nasa probinsiya kami. Pinalabas kami nung kaibigan ng mama ko, tapos yun, yun lang ang pinaka-una at pinaka-huli(sa ngayon) na nakita kong prusisyon. Sabi namin pag Holy Week pupunta kami sa probinsya pero di ko alam kung bakit hindi na natuloy kailanman.
Sa mga nakaraang Holy Week netong high school ako, wala ako masyadong maalala. Siguro nga kasi wala naman kaming ginagawa at nasa bahay lang kami. Pero solid, wala ka talagang magagawa pag nandito ka sa bahay namin. Kahapon buong araw akong tulog, nung hapon na tripan kong mag computer at maglaro sa kongregate.com. Netbook lang kasi gamit ko at wala naman akong console. Ayoko talaga dito sa bahay pag bakasyon, lalo na pag Holy Week. Di naman kasi aktibo magulang ko pag may mga event dito sa Marikina.
Napansin ko rin yon. Sa totoo lang, hindi ko gusto kung pano ako lumaki. Hindi kasi dito lumaki magulang ko kaya kami yung tipong kakaunti lang ang kaibigan sa kapitbahay. Ibang iba kasi pag nasa probinsiya eh. Iba ibang bahay mapupuntahan mo kasi kakilala naman ng magulang mo yung nakatira dun. Pag kinumpara mo dito sa siyudad, tanging bahay mo at bahay lang nga kaklase mo ang mapupuntahan mo. At kung madamot pa magulang mo, di ka makakagala sa bahay ng kaklase mo unless may pasok. Ngayong fourth year lang kasi ako naging ganun. Pero seryoso, parang ang hirap. Kakaiba talaga.
Ayoko talaga ng summer. Eto kasi yung panahong kung saan saan ka ieenroll ng magulang mo. Kahit ayaw mo at napilitan ka lang. Naiinis kasi ako kasi parang wala akong tiwala. Di ko alam kung bakit. Ayaw ko lang na namimilit pag ayaw. Eh kaso yung magulang ko, iba mag-isip kesa sakin. Pero nakakagulat kasi pag naenroll na ako, masaya naman pala. Ayaw mo sa una pero pag nandun ka na okay lang pala at sulit naman pala.
Nung summer bago mag second year, inenroll kami sa Sports Center na may sports clinic. Ayaw ko pa nun. Mahiyain nga kasi ako at hindi naman ako yung taong mahilig lumabas at makipag-interact sa iba. Di ko pa trip basketball nun kaya inenroll ako sa badminton. Ayos lang, kahit wala ako masyadong naging kaibigan. Di ko naman habol makipagkaibigan nun.
Nung summer naman bago third year, yun nga yung tutor ko. Napunta lang naman ako dun kasi ugok yung teacher ko sa math at bagsak kami lahat. Siguro nga dapat walang honor samin nun eh. Kaya yun, inenroll ako sa Math. Basta nakwento ko na yon.
Nakakainis. Naiinis ako sa magulang ko. Gusto kong mapatunayang kaya ko naman. Kaya nga gusto ko na magpasukan eh. Tsaka mas gusto ko sa college. Mas malaya ako sa paraang may napupuntahan akong kapakipakinabang pagkatapos ng school. Pag high school kasi delikado pumunta kung saan saan kasi pag napahamak ka maaapektohan ka pa sa school mo. Ganun din naman sa college pero iba pa rin.
Trip ko kasi yung may napupuntahang tahimik. Yung tipong walang pakealam yung mga tao kung nandun ka. Nung high school ako, lalo na nung fourth year, covered court ang trip kong tambayan. Di ko trip yung library namin kasi malayo tapos sa recess, di mo alam kung time na o hindi. Sa uwian naman, maaga nagsasara. Tsaka di ko trip yung may mga kakilala ka ts makikita ka nila sa library. Tapos gusto pa nila makipagkwentuhan, kaya ka nga nandun para magbasa eh.
Nung high school din ako, lalo na nung third year at fourth year, dun lang yung oras na natutunan kong dapat ako bumibili sa mga gamit ko, lalo na kung abot naman ng pera ko. Kaya naman medyo naging suki ako sa maliit na mall malapit sa school namin. Pero ayoko rin masyadong tumambay dun kasi nakakailang pag may nakakakita saking kilala ako. Eh ganun ako eh.
Di ko alam kung bakit naging flash back tong post na to. Siguro dahil sa pagpaplano ko sa mga ginagawa ko nung high school na hindi ko na gagawin sa college. Excited na talaga ako. Kating kati na ako. Siguro sobrang naging boring ang buhay ko lalo na netong Holy Week (kasi di kami lumalabas) at siguro sa iba pang linggo ng bakasyon ko. Ang bagal ng oras ngayon. Ganun siguro talaga pag naghihintay. Naghihintay rin ako ng pagbabago sa buhay ko. Sana dumating na.
Friday, 29 March 2013
Sunday, 24 March 2013
First Year Blues
Ayan. Ngayong tapos na ako sa high school ay pwede ko nang makwento ang mga nangyari sakin. Wala lang. Trip ko eh.
Nung first year ako, bago lang ako sa school na yon. Ang natatandaan kong dahilan kung bt ako nilipat ay pangit daw yung high school sa school ko dati. Coed yung school ko dati, tapos ayon, nilipat ako sa all-boys school. Ayos lang. Para maiba naman.
Halos wala akong masyadong maalala. Basta nung unang araw ang pinakapangit na araw na naranasan ko nung first year ako. Sa umaga, akala ko ang aga ng service. Akala ko mga 5am. Pero halos lampas 7 na nung dumating yung service. Buryong buryo ako noon eh. Naisip ko na lang, pag ma-late man ako, marami naman kaming malelate. Tapos yon, pagpasok ko sa waiting area, gusto ko nang bumalik sa service okaya lumabas at magtricycle pauwi. Pero wala, baka hindi rin ako palabasin at mapahiya pa ako. Tapos yon prayer na sa PA at karamihan ng studyante nasa classroom na, meron ding mga late bukod sa mga kaservice ko. Di ko alam kung saan yung room ko. Basta wala talaga akong alam. Mabuti sana kung maaga ako eh pero hindi, wala na. Di ko na mahahanap yung room ko nang hindi mapapahiya. Tapos nasa pinakataas pala ang first year. Oha pahirapan agad. Babae yung teacher, science pala. Kinausap niya ako pero di ko siya maintindihan. Umupo nalang ako sa harap kasi yun yung walang tao. May nakita akong kaschoolmate ko dati, natuwa naman ako. Kaso hindi pa yon sapat kasi gusto agad maglesson ng teacher. Nagtanong pa siya, ako unang pinasagot. Di ako makasagot. Ang dami dami kong iniisip eh ako pa papasagutin niya. Buti naman di pala siya yung adviser namin. Ayos lang. Lalaki pala adviser namin nun. Religion teacher, alumni din ng school. Wala pa rin akong makausap nun kahit homeroom period na. Di ko makausap yung kakilala ko kasi medyo likod siya. Recess na nung nakausap ko siya. Marami pala akong schoolmate dati na lumipat din dun. Kaso isa lang ang kasama ko sa classroom. Half-day naman nun kaya nung uwian na, pahirapan nanaman sa service. Tinext ako nung driver namin, kulay puti daw yung service. Dalawa kasi yung sasakyan eh yung van na pangmaramihan, di ko alam tawag dun eh. Tapos yung puti, parang L300 na mas malaki. Nakita ko yung driver namin sa waiting area, tinuro niya yung service pero di ko rin nakita. Bahala na. Pinuntahan ko, naghintay ako sa kumpol kumpol na sasakyan hinintay ko nalang yung driver namin. Nung dumating siya, pagkita ko sa loob ng service punong puno kami. Badtrip. Ts wala din ako kakilala syempre. Napakaawkward. Di ako masaya pag-uwi ko.
Maraming nangyari. Una kong tropa yung mga schoolmates ko dati pero naiba rin. Nagkaroon ako ng kaibigan na di mo alam kung mabait o nagmamaskara lang siya. Di ko alam kung totoo yung mga kinukwento niya. Nakapunta na rin ako sa bahay nila. Sandali lang yon, naisip ko kasing baka manggagamit lang siya at di ko trip yung mga ganoon yung ugali. Nagkaroon din ako ng kaibigan na magaling magdrawing. Pero nag-away kami dahil di talaga siya mabait. Pranka siya. Nag-away kami kasi nasira niya yung wallet kong lalagyan din ng cellphone. Ayoko kasing may nangengealam ng gamit ko. Natanggal lang naman yung hawakan eh. Pero wala. Magkaparehas kami. Di kami nagsosorry. Pero nung patapos na yung school year nagbati naman kami. Walang sorry sorry. Ganun yung mga taong gusto ko. Di na kailangan ng drama. Pero parang medyo awkward pa rin eh. Naging magkaklase ulit kami nung fourth year at kasama ako sa tropa nila. Ang tropa namin netong fourth year ay yung mga magkaklase ng fourth year. Basta yon. Nakakausap ko naman siya eh. Ayos na.
Naiba rin yung tropa ko nung medyo fourth quarter na. Naging kasama ko sila sa pagdo-Dota. Second quarter nung naging close kami pero di ako masyado sumasama sa kanila, pag nagdodota lang. Nasama na rin ako sa galaan nila. Kadalasang sine at dota lang naman yun. Yung iba, nangchichicks na yung iba hindi. Kasama ako sa hindi. Di ko trip eh. Tsaka mahiyain ako, kahit yung mga kaservice ko di ko nakakausap.
Tapos non first year. Parang wala lang. Wala akong pakealam. Hanggang second year ganon. Walang pake. Bahala na si Batman. Yan ang buhay.

Excited sa College
Di ko alam pero nung nagsimula yung fourth year ko, ang gusto ko nalang ay makapagtapos. Tingin ko mas trip ko ang college. Di na kasi kailangang makisama para maghatakan ng grades, di tulad sa high school. Nakakainis kasi, lalo na yung lecheng thesis at iba pang group projects. Laging dalawa o tatlo lang yung gumagawa. Tatlong group projects na ang nagawa kong ako lang mag-isa. Halos. Basta kakaunti lang talaga ang natutulong ng iba kong ka-grupo. Eh ganun talaga eh. Ang masakit dun, kasabay ko silang grumaduate! Nakakainis. Parang ikaw sobrang naghirap maka-iwas sa kapahamakan ts sila petiks petiks lang ts makakalampas sila ng high school?! Pambihira talaga.
Gusto ko na ring magcollege kasi gusto ko nang maiba yung ginagalawan kong lugar. Di ako nagsawa sa school ko ng high school pero siguro dahil sa mga tao. Wala lang. Tsaka sino ba namang hindi magsasawa at puro lalaki kayo sa iisang school. Kaya iba talaga pag nasa school ka namin ts makakakita ka ng babae. Kahit sa parking lot lang. Kakaiba yung vibes. Kakaiba yung ihip ng hangin.
Pero dahil din sa school ko kaya ako naging mahiyain pagdatin sa babae. Eh wala eh, tapos na. Tsaka bahala na next year. Di naman ako mamamatay sa ka-awkward-an eh. Tsaka next year, pare-parehas lang kayong hindi kilala ang isa't-isa. Mainam yun. Bagong simula. Oha.
Di ko lang alam kung mabilis akong magkakaroon ng kaibigan mo maging dead kid muna ako. Di ko talaga alam. Kinakabahan ako pero naeexcite. Mahilig ako sa pagbabago. Kaya hindi constant ang mood ko. Diba ang galing. Parang abnormal lang. Pero di talaga eh. Minsan ang gulo minsan maayos. Sadyang hindi ako tuwid mag-isip. Sa tabi ng positive, may negative. Kaya rin siguro ang gulo ko magsulat dito sa blog.
At sa ibang balita naman, kinakabahan ako dahil sa mga nababasa ko sa blogs sa papasukan kong course. UST Architecture. Mga 99% basbas at dasal dahil ako nakapasa. 1% effort sa pagdrawing ko. Basta inisip ko lang na papasa ako. Inisip ko lang na binigyan ako ng Diyos ng lakas ng loob na kunin yung exam. Sabi kong para sa Kanya yun. Ayos naman ang resulta.
Nakakatuwa nung pagcheck ko sa results. Nagtaxi kami papuntang UST. Nagsasabi na yung tatay ko kung pano magcommute papunta dun ts ako nakatulala lang. Tapos yon, nakapost sa may pasukan ng building yung mga pumasa, di ko muna tinignan kung nandun yung pangalan ko, wala lang. Para may thrill. Inumpisahan ko sa A. Wala lang, para maayos, Tapos naghanap ako ng mga kakilala ko. Konti lang. Tapos yon medyo naging spoiler tatay ko kasi tinuro niya yung pangalan ko. Pero ayos lang, nakahinga na rin nang maluwag. Eh tingin ko kasi ang pangit ng drawing ko pero ewan ko parang alam ko ring papasa ako dahil sa dasal.
Proverbs 16:3 "Commit to the Lord whatever you do, and He will establish your plans."
"Para sa Diyos"

Mga Moments sa Jeep noong High School
Minsan lang ako umalis ng bahay. Minsan lang din ako mag jeep. Pag galing sa school, kadalasang tricycle nalang ang sinasakyan ko kahit mahal. Kesa maghintay ako ng halos isang oras para lang makasakay sa jeep na masikip at mainit at maingay. Tsaka mas maraming tao, mas delikado. Mamaya kung sino na pala yung katabi mo, nayari ka pa.
Pero minsang nakasakay ako, nakakabarda. Nasabi ko nang hindi ako mahilig sa mataong lugar, jeep pa kaya. Nung una kong makasakay ng jeep, wala lang. Bata pa ko nun. Siyempre hindi ako yung nagbayad. Tapos nun, ganun pa rin. Wala lang. Nakikisakay lang ako. Di ko alam kung bakit di pa ako naiinis nun pag sa jeep. Siguro dahil maluwag pa yung jeep non kasi tanghali. Yun ang naaalala ko. Di naman ako nakaranas pang magjeep noon nang rush hour.
High school na ako noong nakaranas na akong mag jeep nang rush hour. Syempre galing school, nung first year ako, di ko pa alam mag commute pag galing sa school. Ang alam ko lang na landmark, Concepcion. Bale dalawang tricycle ako, school papuntang Concepcion ts bahay. Sobrang mahal, mas mahal pa sa pagkain sa school (pero mahal talaga yung pagkain sa school). Noong nagkatropa na ako at hindi na kami puro Dota, yun na yung mga panahong natuto akong magjeep kasi may kasabay naman ako hanggang Concepcion at may kasama pa ako pa-Montalban din yung sasakyan pero di ako sa Montalban nakatira. Pero nagdo-Dota pa rin kami nung mga panahong yon kaya late na rin ako nakakauwi at rush hour na nga.
Lalo na nung second year, halos di na ako sumasabay sa service tuwing hapon. Nung first to second quarter nagdo-Dota pa ako pero nung third to fourth quarter di na masyado, sa bahay nalang. Tinatamad na ako eh. Di ko alam pero Second Year High School yung pinaka-petiks sakin except sa Math dahil sa teacher kong madamot magbigay ng grade at napagkamalan pa akong bobo sa Math ng magulang ko.
Summer bago mag third year pinareview nila ako sa school na maliit pero ang may ari ay Alumni din ng school ko nung high school ako (kakagraduate ko lang hehe). Pinareview nila ako ng Geometry, sabi nung tutor ko, sana daw English nalang in-enroll ko kasi daw sa pag aanalyze ng word problems daw ako mahina. Mabilis ko naman daw makuha yung solutions pero pag ginawa mo ng paragraph/sentence, mabagal ako. Marami akong natutunan sa tutor kong astig. Astig siya, promise. Ibblog ko next time.
Pero yun din yung panahon ng bakasyon ko na puro tricycle ako. Pwede naman kasi akong magjeep pero yung nanay ko wala eh. Tricycle pa talaga. Eh malapit lang naman yon at pwede ko ring lakarin kaso pawis pawis ako pag nilakad. Minsan pag-uwi di ako sumabay pero nanghinayang ako sa bayad ng nanay ko. Dapat nga daw eh ililibre ako ng lugaw ng tutor ko, sabi ko may service ako. Sabi nung tutor ko "Magtthird year ka na, nagseservice ka pa?!" Pa-joke niyang sinabi yun pero tumagos sa isip ko.
Third year di ako masyado napacommute kasi nag-iba na tropa ko. Di ko rin alam kung bakit. Pero ayos lang. Wala, petiks petiks din. Tsaka medyo nag tipid moves talaga ako. Wala lang. Nagpatuloy yon hanggang fourth year. Nagcocommute lang ako pag may gala talaga okaya may ginawa sa school at late na ako makakauwi. Ganun lang.
Pero pahirapan talaga sa jeep. Madali lang yung papuntang Concepcion eh pero ang jeep na pa Montalban? Mahirap. Lalo na kung 5pm na. Hanggang 7pm mahirap pa rin sumakay. Sila kasi yung galing Cubao, Katipunan(LRT), SM Marikina, Robinsons/Sta. Lucia, Marquinton(Blue Wave), Concepcion... Montalban. Basta yon. SM Marikina at Robinsons pa lang puno na yung jeep.
Ang pinaka ayoko rin ay yung sa pagbabayad at pagsusukli. May mga pa-import kasing kunwaring hindi napansin yung bayad, hindi iaabot. Kung ganyan ka, ang sarap mo pong patayin. Hindi ka diyosa o reyna. Nagjjeep ka nga eh. Tsaka simpleng tulong na nga lang yun eh, di mo pa magagawa. Nakakahiya naman.
Ayoko rin yung pag puno na, pinipilit pang makasakay yung iba. Di naman porket tig-11 ang isang side, 11 sakto ang makakasakay diyan. Di lahat ng pasahero ay payat. Di yun lahat kasya. Mananahimik na ako at baka maka-offend pa ako.
May nasakyan din akong jeep na pa-Cubao. Bababa akong SM Marikina. Pero lahat ng pasahero binaba kami sa may Robinsons. Di ko alam kung bakit. Sumakay kami sa iba. Makaka-usap na sana ako sa chicks na kasama ko dun sa jeep nung una eh sasabihin ko sana "Magbabayad tayo ulit?" Kaso syempre di ko kaya yon. Nayamot lang ako kasi may matandang nagbigay sa babae ng bente. "Eto hija pambayad mo na" Nakalibre pa si ate. Sayang.
Sobrang daming nangyari sakin. Di ko na makwento kasi ang haba na nito at di ko rin alam kung umabot ka pa dito. Di ko na talaga papahabain pa, sa susunod nalang.

Wednesday, 20 March 2013
Ayaw ko sa..
Ayoko sa mayabang.
Ayoko sa maingay.
Ayoko sa eepal kahit di naman hinihingi yung opinyon niya.
Ayokong pinipicturan ako.
Ayokong may umaasa sakin, mabilis pa naman ako mag-agree sa lahat.
Ayoko sa puro salita.
Ayokong pumaparty.
Ayokong lumalabas ng bahay.
Ayoko sa PDA, nag-a-i love you-han sa public.
Ayoko sa makasarili.
Ayoko sa mahilig magparinig sa facebook/twitter.
Ayoko sa puro problema sa lovelife ang inaatupag.
Ayoko sa di marunong umintindi, mabilis manghusga.
Ayoko sa babaeng pa-isip bata, wala namang sakit sa utak.
Ayoko sa nang-iiwan.
Ayoko sa manggagamit.
Ayoko yung inuulit yung nasabi na.
Ayoko sa taong di marunong kumuha ng lakas.
Ayoko sa taong walang tiwala sa sarili.
Ayoko sa sinungaling, nahuli na nga, magsisinungaling pa.
Ayoko sa pasikat.
Ayoko sa pa-importante, akala niya sakanya lang umiikot ang mundo. Immature.
Marami akong ayaw. Lahat naman ng tao eh. Pero di ibig sabihin nagpapakaperpekto na tayo pag ganun. May mga bagay lang na di natin kayang tanggapin. May mga bagay kasi tayong hindi ginagawa dahil mukhang mali pero ginagawa ng ibang tao. Pero hanggang dun na lang yun. Di natin pwedeng sisihin at baguhin sila. Wala na tayong magagawa. Yun yung paraan na gusto nila mabuhay. Ang silbi lang ng post na to ay sinasabi ko kung sino ako. Di ko rin alam pero mas madali sabihin kung ano yung hindi natin gusto kesa sa kung ano ang gusto natin.

Saturday, 16 March 2013
Ang Taong Mahina
Hindi ako bilib sa taong mahina ang loob. Yung pagmakaranas ng simpleng problema, naiiyak agad. Yung kailangan nila ng ibang tao para mabuhay. Yung sobrang hina na wala silang tiwala sa sarili niya. Mabilis maduwag. Hindi marunong lumaban.
Naniniwala ako sa kakayahan ng isang tao na kaya niyang lumaban. Di naman sa relihiyoso ako pero naniniwala talaga ako na binibigyan tayo ng mga problema ng Diyos na kaya nating malampasan. Yun din naman ang hamon ng buhay eh. Ang mabuhay. Simple lang ang buhay, marami lang hadlang. Parang sa basketball, madali lang naman maka-lay up. Eto lang yan, dapat marunong kang lumay up. Yun yung mga bagay na matututunan mo. Tapos sa totoong laro at marunong ka na, may mga magbabantay sayo. Di lang isa kundi marami. Kaya dapat marunong kang dumiskarte. Diba simple lang. Ang gagawin mo lang ay i-apply yung natutunan mo.
Hindi ako bilib sa mga taong hindi marunong lumaban. Kahit sa pag-iisip lang na lumaban, ayos na para sakin. Pero yung sasabihin mong, "Hindi ko kaya yan" kahit di mo pa nasusubukan, pepektusan kita pag magkaharap tayo. Ang hina mo. Wala pa nga, susuko ka agad. Siguro maaasar talaga kita pag nagkataon. Hindi kita mamaliitin kundi aasarin kita hanggang gawin mo. Gusto kong matuto kang lumaban. Pag lagi kang sumusuko, sayang ang buhay mo. Maraming hindi nabibigyan ng pagkakataong mabuhay ts ikaw, sasayangin mo yung sayo. Wag na wag kang magsasayang ng mga pagkakataon kasi bihira lang yon sa buhay.
May mga oras na gusto mo nang sumuko pero wag. Ayos lang magpahinga okaya tumigil sandali. Pero di ibig sabihin susuko ka na. Tapusin mo kung ano sinimulan mo, wag kang matakot, magtiwala ka sa sarili mo. Kung nagagawa ng iba, kaya mo rin. Tao ka rin naman, hindi ka gaanong naiiba. Basta wag kang matakot na magkamali. Ayos lang naman eh, di naman yon katapusan ng mundo.
"I can do all things through Christ who gives me strength." -Philippians 4:13
Pag may problema ka, wag agad sumuko. Mag-isip muna bago magsalita. Dapat alam mo kung pano at ano ang gagawin para matapos mo yung gusto mo. Maging open-minded ka rin kahit minsan. Kaya nga napaliligiran ka ng ibang tao para makatulong sila sayo eh. Kaya mo yan, wag mong hahayaang nasa ilalim ka lagi dahil pinanganak ka para sa magagandang bagay, kailangan mo lang patunayang karapat-dapat ka para doon.

Wednesday, 13 March 2013
#NakakasakalNa
Ayan! Makiki-uso tayo ngayon. Nakakasakal. Hindi yan literal. Yan ang term kapag nararamdaman mong nalilimitan ang ginagawa mo dahil sa ibang tao. Ayos lang naman malimitahan diba. Para alam mong hindi ka nakakaapak sa buhay ng ibang tao. Pero yung tipong ko-controlin na mismo buhay mo? Nakakasakal talaga.
Ganyan yung sitwasyon ko doon sa isa kong post. Sa buhay ko, magulang ko ang sumasakal sa akin. Naiintindihan ko naman na para sakin yun. Pero nakakasakal eh. 16 years na ganon. Paulit ulit. Halos normal na nga para sakin eh. Kahit hindi dapat. Walang taong dapat sinasakal. Nagkakaroon kasi ng pag-iisip na mas mataas tayo sa ibang tao. Mali yun. Sa totoo lang, hindi ako sumusuporta sa mga magli-leaderan tapos hindi naman makikinig sa opinyon ng lahat. Kung ang gusto niya lang ang masusunod, edi sana kahit sino nalang din ang mga nasusunod. Nakakainis.
Dahil din dito, tumataas ang tingin ng tao sa sarili niya. Ayon, yumayabang. Siguro kung literal na mahangin ang pagiging mayabang, magmumukha ng binagyo ang mundo. At dahil sa kayabangan nila, unti-unting natatakpan ang mga tenga at mata nila hangga't sa sarili nalang nila ang pinapakinggan nila at sarili nalang din nila ang pinapakealaman nila. Kaya wala akong tiwala sa mayayabang. Kasi yung iba, nagkukunwaring nakikinig pero lumalabas lang sa kabilang tenga nila yung mga sinasabi mo. Sayang laway, dre.
Kung mapapansin mo, inilalayo ko ang sarili ko sa mga taong mayayabang. Hindi kasi. Ako yung tipo ng taong sa unang tingin, parang matalino, seryoso, at leader. Pero hindi. Mahiyain ako. Siguro kung 1-10 ang scale ng pagkakapal ng mukha at 1 ang lowest, halos negative ako sa sobrang pagkamahiyain. Hindi ako leader. Ayoko nung umuutos, gusto kong ako yung gumagawa. Ayoko kasing nag-uutos ts madidismaya ako sa output nung inutusan ko. Kaya independent ako, pero iba ang independent sa leader.
May mga tao ring natural nang mataas ang sarili nila. Di ko alam kung bakit. Baka sa paglaki nila. Okaya may pinagmanahan. Yan ang mahirap. Pag nagkaanak sila, wala. Siyempre susubukan nilang kontrolin yung buhay ng anak nila. Gusto niyang ito gawin ng anak niya, ganto kunin sa college ganto ganyan. Kung isa kang magulang at ginagawa mo yan, nakakasakal. Kahit sabihin mong pinapayagan mo namang lumabas ng bahay ang anak mo, di yun ganon. Nakakasakal para sa anak kapag hindi mo sinusunod yung gusto ng bata. Pag tumututol ka, magsabi ka ng dahilan. Wag kang gumawa ng masama o makakasakit sa anak mo tapos hindi ka magbibigay ng dahilan. Wag kang magalit sa anak mo. Sabi nga nila, ang ginagawa mo, triple na babalik sayo at manggagaling sa anak mo.
Nakakalungkot na hindi ko to agad agad mapapatunayan. Pero ayos lang, basta nasabi ko ang gusto ko. Kahit alam kong konti lang nagbabasa ng blog ko, ayos lang, masaya ako. Nagkaroon lang ako ng blog kasi sa panahong ganto, yung nagkakaproblema ako, wala akong masabihan .Kaya kung sino ka man, salamat sa pagaaksaya ng oras sa pagbabasa nito. Sana rin nakakatulong ako tungkol sa kung ano ang nangyayari sa buhay ng mga tao, kahit di ka interesado. Tingin ko naman may natututunan ka tungkol sa mga tao ngayon. Tungkol sa mga tao sa panahon ngayon. Di ko rin alam kung bakit ko ginagawa to pero malakas lang ang kutob ko na may mga kabataang hindi nila kilala ang sarili nila. Parang ako.

Sunday, 10 March 2013
Para sa immature
Walang kwenta ang pinagsasabi mo kung puro ka parinig. Tapos paiba-iba sinasabi mo. Siguro kung ine-interrogate ka ng pulis mga dalawang tanong palang mapagkakamalan ka ng kriminal. Pero hindi lang yun dahil don. Immature ka kasi:
Sinasabi mong mature ka na. Pag ginagawa mo yan, congrats, pero hinde. Mali ka. Ang katotohanan, di mo na kailangan sabihin. Parang pinagmamayabang mong humble ka. Humble ka nga eh, bt mo pagmamayabang?
Tingin mo mabubuhay ka kahit wala kang magulang. Hahaha ang galing mo naman. Sige nga pano ka mag-aaral? Kahit nakakaaway mo magulang mo, hayaan mo. Wag ka ring magrebelde. Ang pinakamagandang higanti diyan ay ang pag-unlad mo balang araw. Basta hangga't di ka pa nagkakaroon ng pera sa pagtatrabaho, wag ka munang bibitiw sa magulang mo.
Mayabang ka. Yan ang pinakahalatang sign ng pagiging immature. Wag mo ipagmayabang ang mga magagandang nangyayari sa buhay mo. Lalo na kung intensyon mo ay ang... magyabang. Kung intensyon mo ay magpasalamat at makatulong, yun yung pinaka magandang dahilan sa pagmamayabang.
Puro ka landi... sa public. Wag. Kung ganyan ka, mag-isip isip ka. Yung mga lugar na nakikita ng ibang tao, kahit facebook o twitter yan, wag kang lalandi dun. Tapos kung may girlfriend/boyfriend ka, wag kayong pa-baby sa public, kahit sa social networking sites. Wag na wag.
Yan lang muna ngayon. Yari ka sakin sa susunod.

Di ako Perpekto
Hindi ako perpekto. Kaya siguro sa mata ng magulang ako, ako ang demonyo. Hindi naman sa kampon ni Satanas. Ako lang yung masama. Ako naman kasi lagi yung naiiba. Ako yung hindi matalino. Ako yung tamad. Ako yung hindi maunlad ang buhay. Ako yung imperpekto. Masakit para sakin. Pero wala akong magawa. Bilang isang anak wala akong magawa kundi makinig at sumunod. Eh diba ganun naman talaga. Hindi ako nabibigyan ng pagkakataon na makuha ang gusto ko. Siguro minsan. Pero may mga bagay na gusto ko para sakin pero di naman nasusunod. Pero di naman yon nasusunod pag sinasabi ko sa kanila. Kaya may mga bagay na nakuha ko dahil sakin. Dahil sa paghihirap ko. Masaya na ako dun. Dun lang ako nagkakatiwala sa sarili ko. Pero nakakalungkot lang na hindi araw araw ganun sa buhay ko.
Mahirap pag ikaw yung naiiba sa pamilya mo. Kasi kahit gusto mo namang maiba, wala kang magawa. Parang nakatali na yung buhay mong sumunod dun sa pamilya. Mahirap din naman kasi pag sumusunod ka sa mga gusto mo, minsan mali pala. Pero wala eh. Lahat naman ng gusto ko, ayaw nila. Hindi na ako sinuportahan sa lahat ng gusto ko. Masakit talaga para sakin. Kung sila nalang lagi ang masusunod edi sana sakanila nalang yung buhay ko.
Natural na rin naman kasi sakin na palaging sumunod. Eh ako yung bata eh. Napaka-sama naman kung hindi ako sumusunod. Lagi nalang wala akong choice. Pag inutusan di ko matanggihan. May mga nagtatanong na sakin kung bakit masyado daw akong mabait. Mapagbigay. Ayun laging iniisahan. Pero wala akong pakealam kung gumagawa ka ng masama sakin. Pinapalampas ko yan nang ilang beses pero pag ako napuno mahihiya ka sa balat mo.
Napakapangit ng araw na to. Nag-umpisa yung araw na uutusan ako. Matatapos din sa utos. Di ko alam kung anong klaseng magulang ang mag-uutos na bumili kahit gabing gabi na. Edi sana nung hapon. Tapos yung simpleng pagbukas ng gate, ako pa. Eh siya na nga yung nasa baba. Di naman siya kakainin ng gate eh. Tangina talaga. Badtrip na buhay to.

Saturday, 2 March 2013
Huli
Tapos na problema ko sa high school pero nandito naman problema ko sa college. Ang gulo. May mga batang pag tinanong mo kung ano gusto nila maging, sasabihin nila "ganto ganyan kasi GANYAN DIN SA MAGULANG KO." Nakaka-inggit. Kasi alam nila kung ano gusto nila at alam nilang ayos na sa magulang nila yun.
Sa lagay ko, hindi. Walang direksyon ang pangarap ko. Ang hirap. Ang hirap maiba. Yung as in ikaw lang naiiba sa kung nasaan ka. Wala kang kakampi. Ganoon yung pakiramdam. Walang sumusuporta sa desisyon mo. Kaya naiiwan ka. Ts walang makakatulong sayo kundi ikaw.
Ayos lang sakin magkaroon ng gantong problema. Pero yung tipong nakasalalay future ko dito, medyo alanganin na. Pikon ako sa mga taong nagrereact kung bakit ganto ako bakit ganyan. Di ako napipikon dahil may iniisip silang ganto sakin. Napipikon ako dahil sa kung paano sila mag-isip. Ang hirap iexplain eh. Yung mga simpleng desisyon mo, nagagalit sila. Edi sila nalang sana nabubuhay sa lugar ko. Ang hirap talaga ngayon, wala akong kasama.
Hindi lahat ng kaibigan mo, makakatulong sayo. Yung iba para lang masabihang may kaibigan sila. Nakakainis sa lahat yung akala niya close kayo at parang may pinagsamahan kayo. Eh kaso wala. Alamin mo kung san ka pwede. Di yung puro ka salita di mo alam nakakasakit ka na.
Siguro halos lahat ng problema ko ang dahilan ay ibang tao. Yung ugali nila. Alam kong wala akong magagawa pero nakakabadtrip eh. Tapos pinagsisiksikan pa nila sumali sa buhay mo. Ayoko. Wag. Lumayo ka sakin kung hindi kita hinihingi. Hindi naman sa namimili ako ng kaibigan pero kung alam mong may mali sa ugali mo, wag na.
Nababarda ako sa mga immature. Hindi sa bata ah. Sa isip bata. Yung wala ng ibang inisp kundi love life nila, issue ng mga kaibigan niya. Ang hirap sabihin nang walang masasaktan eh. Basta yung mga taong sarili lang nila iniitindi nila. Yung mga taong magsasalita na sila kahit di naman hinihingan ng opinyon. Di porket may kalayaan kang sabihin ang gusto mo, maninira ka na ng ibang tao.
Siguro nakalimutang ituro sayo ng magulang mo na mag-isip ka muna bago magsalita. Pero makiramdam ka kasi. Hindi yung kung ano nararamdaman mo yun yung masusunod. Hindi susunod sayo ang daloy ng mundo. Hindi ikaw ang boss dito at hindi ka bibigyan ng respeto kung manghihingi ka lang. Kailangan mong maghirap para makuha kung anong gusto mo.

Subscribe to:
Posts (Atom)