Ayan. Ngayong tapos na ako sa high school ay pwede ko nang makwento ang mga nangyari sakin. Wala lang. Trip ko eh.
Nung first year ako, bago lang ako sa school na yon. Ang natatandaan kong dahilan kung bt ako nilipat ay pangit daw yung high school sa school ko dati. Coed yung school ko dati, tapos ayon, nilipat ako sa all-boys school. Ayos lang. Para maiba naman.
Halos wala akong masyadong maalala. Basta nung unang araw ang pinakapangit na araw na naranasan ko nung first year ako. Sa umaga, akala ko ang aga ng service. Akala ko mga 5am. Pero halos lampas 7 na nung dumating yung service. Buryong buryo ako noon eh. Naisip ko na lang, pag ma-late man ako, marami naman kaming malelate. Tapos yon, pagpasok ko sa waiting area, gusto ko nang bumalik sa service okaya lumabas at magtricycle pauwi. Pero wala, baka hindi rin ako palabasin at mapahiya pa ako. Tapos yon prayer na sa PA at karamihan ng studyante nasa classroom na, meron ding mga late bukod sa mga kaservice ko. Di ko alam kung saan yung room ko. Basta wala talaga akong alam. Mabuti sana kung maaga ako eh pero hindi, wala na. Di ko na mahahanap yung room ko nang hindi mapapahiya. Tapos nasa pinakataas pala ang first year. Oha pahirapan agad. Babae yung teacher, science pala. Kinausap niya ako pero di ko siya maintindihan. Umupo nalang ako sa harap kasi yun yung walang tao. May nakita akong kaschoolmate ko dati, natuwa naman ako. Kaso hindi pa yon sapat kasi gusto agad maglesson ng teacher. Nagtanong pa siya, ako unang pinasagot. Di ako makasagot. Ang dami dami kong iniisip eh ako pa papasagutin niya. Buti naman di pala siya yung adviser namin. Ayos lang. Lalaki pala adviser namin nun. Religion teacher, alumni din ng school. Wala pa rin akong makausap nun kahit homeroom period na. Di ko makausap yung kakilala ko kasi medyo likod siya. Recess na nung nakausap ko siya. Marami pala akong schoolmate dati na lumipat din dun. Kaso isa lang ang kasama ko sa classroom. Half-day naman nun kaya nung uwian na, pahirapan nanaman sa service. Tinext ako nung driver namin, kulay puti daw yung service. Dalawa kasi yung sasakyan eh yung van na pangmaramihan, di ko alam tawag dun eh. Tapos yung puti, parang L300 na mas malaki. Nakita ko yung driver namin sa waiting area, tinuro niya yung service pero di ko rin nakita. Bahala na. Pinuntahan ko, naghintay ako sa kumpol kumpol na sasakyan hinintay ko nalang yung driver namin. Nung dumating siya, pagkita ko sa loob ng service punong puno kami. Badtrip. Ts wala din ako kakilala syempre. Napakaawkward. Di ako masaya pag-uwi ko.
Maraming nangyari. Una kong tropa yung mga schoolmates ko dati pero naiba rin. Nagkaroon ako ng kaibigan na di mo alam kung mabait o nagmamaskara lang siya. Di ko alam kung totoo yung mga kinukwento niya. Nakapunta na rin ako sa bahay nila. Sandali lang yon, naisip ko kasing baka manggagamit lang siya at di ko trip yung mga ganoon yung ugali. Nagkaroon din ako ng kaibigan na magaling magdrawing. Pero nag-away kami dahil di talaga siya mabait. Pranka siya. Nag-away kami kasi nasira niya yung wallet kong lalagyan din ng cellphone. Ayoko kasing may nangengealam ng gamit ko. Natanggal lang naman yung hawakan eh. Pero wala. Magkaparehas kami. Di kami nagsosorry. Pero nung patapos na yung school year nagbati naman kami. Walang sorry sorry. Ganun yung mga taong gusto ko. Di na kailangan ng drama. Pero parang medyo awkward pa rin eh. Naging magkaklase ulit kami nung fourth year at kasama ako sa tropa nila. Ang tropa namin netong fourth year ay yung mga magkaklase ng fourth year. Basta yon. Nakakausap ko naman siya eh. Ayos na.
Naiba rin yung tropa ko nung medyo fourth quarter na. Naging kasama ko sila sa pagdo-Dota. Second quarter nung naging close kami pero di ako masyado sumasama sa kanila, pag nagdodota lang. Nasama na rin ako sa galaan nila. Kadalasang sine at dota lang naman yun. Yung iba, nangchichicks na yung iba hindi. Kasama ako sa hindi. Di ko trip eh. Tsaka mahiyain ako, kahit yung mga kaservice ko di ko nakakausap.
Tapos non first year. Parang wala lang. Wala akong pakealam. Hanggang second year ganon. Walang pake. Bahala na si Batman. Yan ang buhay.
No comments:
Post a Comment