Sunday, 24 March 2013

Excited sa College

Di ko alam pero nung nagsimula yung fourth year ko, ang gusto ko nalang ay makapagtapos. Tingin ko mas trip ko ang college. Di na kasi kailangang makisama para maghatakan ng grades, di tulad sa high school. Nakakainis kasi, lalo na yung lecheng thesis at iba pang group projects. Laging dalawa o tatlo lang yung gumagawa. Tatlong group projects na ang nagawa kong ako lang mag-isa. Halos. Basta kakaunti lang talaga ang natutulong ng iba kong ka-grupo. Eh ganun talaga eh. Ang masakit dun, kasabay ko silang grumaduate! Nakakainis. Parang ikaw sobrang naghirap maka-iwas sa kapahamakan ts sila petiks petiks lang ts makakalampas sila ng high school?! Pambihira talaga.

Gusto ko na ring magcollege kasi gusto ko nang maiba yung ginagalawan kong lugar. Di ako nagsawa sa school ko ng high school pero siguro dahil sa mga tao. Wala lang. Tsaka sino ba namang hindi magsasawa at puro lalaki kayo sa iisang school. Kaya iba talaga pag nasa school ka namin ts makakakita ka ng babae. Kahit sa parking lot lang. Kakaiba yung vibes. Kakaiba yung ihip ng hangin.

Pero dahil din sa school ko kaya ako naging mahiyain pagdatin sa babae. Eh wala eh, tapos na. Tsaka bahala na next year. Di naman ako mamamatay sa ka-awkward-an eh. Tsaka next year, pare-parehas lang kayong hindi kilala ang isa't-isa. Mainam yun. Bagong simula. Oha.

Di ko lang alam kung mabilis akong magkakaroon ng kaibigan mo maging dead kid muna ako. Di ko talaga alam. Kinakabahan ako pero naeexcite. Mahilig ako sa pagbabago. Kaya hindi constant ang mood ko. Diba ang galing. Parang abnormal lang. Pero di talaga eh. Minsan ang gulo minsan maayos. Sadyang hindi ako tuwid mag-isip. Sa tabi ng positive, may negative. Kaya rin siguro ang gulo ko magsulat dito sa blog.

At sa ibang balita naman, kinakabahan ako dahil sa mga nababasa ko sa blogs sa papasukan kong course. UST  Architecture. Mga 99% basbas at dasal dahil ako nakapasa. 1% effort sa pagdrawing ko. Basta inisip ko lang na papasa ako. Inisip ko lang na binigyan ako ng Diyos ng lakas ng loob na kunin yung exam. Sabi kong para sa Kanya yun. Ayos naman ang resulta.

Nakakatuwa nung pagcheck ko sa results. Nagtaxi kami papuntang UST. Nagsasabi na yung tatay ko kung pano magcommute papunta dun ts ako nakatulala lang. Tapos yon, nakapost sa may pasukan ng building yung mga pumasa, di ko muna tinignan kung nandun yung pangalan ko, wala lang. Para may thrill. Inumpisahan ko sa A. Wala lang, para maayos, Tapos naghanap ako ng mga kakilala ko. Konti lang. Tapos yon medyo naging spoiler tatay ko kasi tinuro niya yung pangalan ko. Pero ayos lang, nakahinga na rin nang maluwag. Eh tingin ko kasi ang pangit ng drawing ko pero ewan ko parang alam ko ring papasa ako dahil sa dasal.

Proverbs 16:3 "Commit to the Lord whatever you do, and He will establish your plans."
"Para sa Diyos"

No comments:

Post a Comment