Hindi ako perpekto. Kaya siguro sa mata ng magulang ako, ako ang demonyo. Hindi naman sa kampon ni Satanas. Ako lang yung masama. Ako naman kasi lagi yung naiiba. Ako yung hindi matalino. Ako yung tamad. Ako yung hindi maunlad ang buhay. Ako yung imperpekto. Masakit para sakin. Pero wala akong magawa. Bilang isang anak wala akong magawa kundi makinig at sumunod. Eh diba ganun naman talaga. Hindi ako nabibigyan ng pagkakataon na makuha ang gusto ko. Siguro minsan. Pero may mga bagay na gusto ko para sakin pero di naman nasusunod. Pero di naman yon nasusunod pag sinasabi ko sa kanila. Kaya may mga bagay na nakuha ko dahil sakin. Dahil sa paghihirap ko. Masaya na ako dun. Dun lang ako nagkakatiwala sa sarili ko. Pero nakakalungkot lang na hindi araw araw ganun sa buhay ko.
Mahirap pag ikaw yung naiiba sa pamilya mo. Kasi kahit gusto mo namang maiba, wala kang magawa. Parang nakatali na yung buhay mong sumunod dun sa pamilya. Mahirap din naman kasi pag sumusunod ka sa mga gusto mo, minsan mali pala. Pero wala eh. Lahat naman ng gusto ko, ayaw nila. Hindi na ako sinuportahan sa lahat ng gusto ko. Masakit talaga para sakin. Kung sila nalang lagi ang masusunod edi sana sakanila nalang yung buhay ko.
Natural na rin naman kasi sakin na palaging sumunod. Eh ako yung bata eh. Napaka-sama naman kung hindi ako sumusunod. Lagi nalang wala akong choice. Pag inutusan di ko matanggihan. May mga nagtatanong na sakin kung bakit masyado daw akong mabait. Mapagbigay. Ayun laging iniisahan. Pero wala akong pakealam kung gumagawa ka ng masama sakin. Pinapalampas ko yan nang ilang beses pero pag ako napuno mahihiya ka sa balat mo.
Napakapangit ng araw na to. Nag-umpisa yung araw na uutusan ako. Matatapos din sa utos. Di ko alam kung anong klaseng magulang ang mag-uutos na bumili kahit gabing gabi na. Edi sana nung hapon. Tapos yung simpleng pagbukas ng gate, ako pa. Eh siya na nga yung nasa baba. Di naman siya kakainin ng gate eh. Tangina talaga. Badtrip na buhay to.
No comments:
Post a Comment