Saturday, 16 March 2013

Ang Taong Mahina

Hindi ako bilib sa taong mahina ang loob. Yung pagmakaranas ng simpleng problema, naiiyak agad. Yung kailangan nila ng ibang tao para mabuhay. Yung sobrang hina na wala silang tiwala sa sarili niya. Mabilis maduwag. Hindi marunong lumaban.

Naniniwala ako sa kakayahan ng isang tao na kaya niyang lumaban. Di naman sa relihiyoso ako pero naniniwala talaga ako na binibigyan tayo ng mga problema ng Diyos na kaya nating malampasan. Yun din naman ang hamon ng buhay eh. Ang mabuhay. Simple lang ang buhay, marami lang hadlang. Parang sa basketball, madali lang naman maka-lay up. Eto lang yan, dapat marunong kang lumay up. Yun yung mga bagay na matututunan mo. Tapos sa totoong laro at marunong ka na, may mga magbabantay sayo. Di lang isa kundi marami. Kaya dapat marunong kang dumiskarte. Diba simple lang. Ang gagawin mo lang ay i-apply yung natutunan mo.

Hindi ako bilib sa mga taong hindi marunong lumaban. Kahit sa pag-iisip lang na lumaban, ayos na para sakin. Pero yung sasabihin mong, "Hindi ko kaya yan" kahit di mo pa nasusubukan, pepektusan kita pag magkaharap tayo. Ang hina mo. Wala pa nga, susuko ka agad. Siguro maaasar talaga kita pag nagkataon. Hindi kita mamaliitin kundi aasarin kita hanggang gawin mo. Gusto kong matuto kang lumaban. Pag lagi kang sumusuko, sayang ang buhay mo. Maraming hindi nabibigyan ng pagkakataong mabuhay ts ikaw, sasayangin mo yung sayo. Wag na wag kang magsasayang ng mga pagkakataon kasi bihira lang yon sa buhay.

May mga oras na gusto mo nang sumuko pero wag. Ayos lang magpahinga okaya tumigil sandali. Pero di ibig sabihin susuko ka na. Tapusin mo kung ano sinimulan mo, wag kang matakot, magtiwala ka sa sarili mo. Kung nagagawa ng iba, kaya mo rin. Tao ka rin naman, hindi ka gaanong naiiba. Basta wag kang matakot na magkamali. Ayos lang naman eh, di naman yon katapusan ng mundo.

"I can do all things through Christ who gives me strength." -Philippians 4:13
Pag may problema ka, wag agad sumuko. Mag-isip muna bago magsalita. Dapat alam mo kung pano at ano ang gagawin para matapos mo yung gusto mo. Maging open-minded ka rin kahit minsan. Kaya nga napaliligiran ka ng ibang tao para makatulong sila sayo eh. Kaya mo yan, wag mong hahayaang nasa ilalim ka lagi dahil pinanganak ka para sa magagandang bagay, kailangan mo lang patunayang karapat-dapat ka para doon.

No comments:

Post a Comment