Ayan! Makiki-uso tayo ngayon. Nakakasakal. Hindi yan literal. Yan ang term kapag nararamdaman mong nalilimitan ang ginagawa mo dahil sa ibang tao. Ayos lang naman malimitahan diba. Para alam mong hindi ka nakakaapak sa buhay ng ibang tao. Pero yung tipong ko-controlin na mismo buhay mo? Nakakasakal talaga.
Ganyan yung sitwasyon ko doon sa isa kong post. Sa buhay ko, magulang ko ang sumasakal sa akin. Naiintindihan ko naman na para sakin yun. Pero nakakasakal eh. 16 years na ganon. Paulit ulit. Halos normal na nga para sakin eh. Kahit hindi dapat. Walang taong dapat sinasakal. Nagkakaroon kasi ng pag-iisip na mas mataas tayo sa ibang tao. Mali yun. Sa totoo lang, hindi ako sumusuporta sa mga magli-leaderan tapos hindi naman makikinig sa opinyon ng lahat. Kung ang gusto niya lang ang masusunod, edi sana kahit sino nalang din ang mga nasusunod. Nakakainis.
Dahil din dito, tumataas ang tingin ng tao sa sarili niya. Ayon, yumayabang. Siguro kung literal na mahangin ang pagiging mayabang, magmumukha ng binagyo ang mundo. At dahil sa kayabangan nila, unti-unting natatakpan ang mga tenga at mata nila hangga't sa sarili nalang nila ang pinapakinggan nila at sarili nalang din nila ang pinapakealaman nila. Kaya wala akong tiwala sa mayayabang. Kasi yung iba, nagkukunwaring nakikinig pero lumalabas lang sa kabilang tenga nila yung mga sinasabi mo. Sayang laway, dre.
Kung mapapansin mo, inilalayo ko ang sarili ko sa mga taong mayayabang. Hindi kasi. Ako yung tipo ng taong sa unang tingin, parang matalino, seryoso, at leader. Pero hindi. Mahiyain ako. Siguro kung 1-10 ang scale ng pagkakapal ng mukha at 1 ang lowest, halos negative ako sa sobrang pagkamahiyain. Hindi ako leader. Ayoko nung umuutos, gusto kong ako yung gumagawa. Ayoko kasing nag-uutos ts madidismaya ako sa output nung inutusan ko. Kaya independent ako, pero iba ang independent sa leader.
May mga tao ring natural nang mataas ang sarili nila. Di ko alam kung bakit. Baka sa paglaki nila. Okaya may pinagmanahan. Yan ang mahirap. Pag nagkaanak sila, wala. Siyempre susubukan nilang kontrolin yung buhay ng anak nila. Gusto niyang ito gawin ng anak niya, ganto kunin sa college ganto ganyan. Kung isa kang magulang at ginagawa mo yan, nakakasakal. Kahit sabihin mong pinapayagan mo namang lumabas ng bahay ang anak mo, di yun ganon. Nakakasakal para sa anak kapag hindi mo sinusunod yung gusto ng bata. Pag tumututol ka, magsabi ka ng dahilan. Wag kang gumawa ng masama o makakasakit sa anak mo tapos hindi ka magbibigay ng dahilan. Wag kang magalit sa anak mo. Sabi nga nila, ang ginagawa mo, triple na babalik sayo at manggagaling sa anak mo.
Nakakalungkot na hindi ko to agad agad mapapatunayan. Pero ayos lang, basta nasabi ko ang gusto ko. Kahit alam kong konti lang nagbabasa ng blog ko, ayos lang, masaya ako. Nagkaroon lang ako ng blog kasi sa panahong ganto, yung nagkakaproblema ako, wala akong masabihan .Kaya kung sino ka man, salamat sa pagaaksaya ng oras sa pagbabasa nito. Sana rin nakakatulong ako tungkol sa kung ano ang nangyayari sa buhay ng mga tao, kahit di ka interesado. Tingin ko naman may natututunan ka tungkol sa mga tao ngayon. Tungkol sa mga tao sa panahon ngayon. Di ko rin alam kung bakit ko ginagawa to pero malakas lang ang kutob ko na may mga kabataang hindi nila kilala ang sarili nila. Parang ako.
No comments:
Post a Comment