Wednesday, 20 March 2013

Ayaw ko sa..

Ayoko sa mayabang.
Ayoko sa maingay.
Ayoko sa eepal kahit di naman hinihingi yung opinyon niya.
Ayokong pinipicturan ako.
Ayokong may umaasa sakin, mabilis pa naman ako mag-agree sa lahat.
Ayoko sa puro salita.
Ayokong pumaparty.
Ayokong lumalabas ng bahay.
Ayoko sa PDA, nag-a-i love you-han sa public.
Ayoko sa makasarili.
Ayoko sa mahilig magparinig sa facebook/twitter.
Ayoko sa puro problema sa lovelife ang inaatupag.
Ayoko sa di marunong umintindi, mabilis manghusga.
Ayoko sa babaeng pa-isip bata, wala namang sakit sa utak.
Ayoko sa nang-iiwan.
Ayoko sa manggagamit.
Ayoko yung inuulit yung nasabi na.
Ayoko sa taong di marunong kumuha ng lakas.
Ayoko sa taong walang tiwala sa sarili.
Ayoko sa sinungaling, nahuli na nga, magsisinungaling pa.
Ayoko sa pasikat.
Ayoko sa pa-importante, akala niya sakanya lang umiikot ang mundo. Immature.

Marami akong ayaw. Lahat naman ng tao eh. Pero di ibig sabihin nagpapakaperpekto na tayo pag ganun. May mga bagay lang na di natin kayang tanggapin. May mga bagay kasi tayong hindi ginagawa dahil mukhang mali pero ginagawa ng ibang tao. Pero hanggang dun na lang yun. Di natin pwedeng sisihin at baguhin sila. Wala na tayong magagawa. Yun yung paraan na gusto nila mabuhay. Ang silbi lang ng post na to ay sinasabi ko kung sino ako. Di ko rin alam pero mas madali sabihin kung ano yung hindi natin gusto kesa sa kung ano ang gusto natin.

No comments:

Post a Comment