Walang kwenta ang pinagsasabi mo kung puro ka parinig. Tapos paiba-iba sinasabi mo. Siguro kung ine-interrogate ka ng pulis mga dalawang tanong palang mapagkakamalan ka ng kriminal. Pero hindi lang yun dahil don. Immature ka kasi:
Sinasabi mong mature ka na. Pag ginagawa mo yan, congrats, pero hinde. Mali ka. Ang katotohanan, di mo na kailangan sabihin. Parang pinagmamayabang mong humble ka. Humble ka nga eh, bt mo pagmamayabang?
Tingin mo mabubuhay ka kahit wala kang magulang. Hahaha ang galing mo naman. Sige nga pano ka mag-aaral? Kahit nakakaaway mo magulang mo, hayaan mo. Wag ka ring magrebelde. Ang pinakamagandang higanti diyan ay ang pag-unlad mo balang araw. Basta hangga't di ka pa nagkakaroon ng pera sa pagtatrabaho, wag ka munang bibitiw sa magulang mo.
Mayabang ka. Yan ang pinakahalatang sign ng pagiging immature. Wag mo ipagmayabang ang mga magagandang nangyayari sa buhay mo. Lalo na kung intensyon mo ay ang... magyabang. Kung intensyon mo ay magpasalamat at makatulong, yun yung pinaka magandang dahilan sa pagmamayabang.
Puro ka landi... sa public. Wag. Kung ganyan ka, mag-isip isip ka. Yung mga lugar na nakikita ng ibang tao, kahit facebook o twitter yan, wag kang lalandi dun. Tapos kung may girlfriend/boyfriend ka, wag kayong pa-baby sa public, kahit sa social networking sites. Wag na wag.
Yan lang muna ngayon. Yari ka sakin sa susunod.
No comments:
Post a Comment