Saturday, 23 November 2013

Isang Sulat Para Sa Kaklase Kong Ungas

Kung hindi naman nakakatulong yung lumalabas sa bibig mo, wag ka nalang magsalita. Hindi yung kung anu-anong ka-OA-an at ka-immature-an yung ginagawa/sinasabi mo. College ka na. Dapat alam mo kung kailan magsalita, kung ano ang tama tsaka mali. Hindi kasi nakakatuwa na dina-down mo yung iba. Nakakataas ba yun ng sarili mo? Pantay pantay lang naman tayo ah. Di sayo umiikot ang mundo. Matuto ka naman rumespeto. At pag nirerespeto ka na, wag mo naman abusuhin. Wag ka magpabida kasi di naman nakakatulong. Lumalaki pa ulo mo. Tsaka maging considerate ka naman sa iba. Meron lang silang hindi nagawa, kasalanan na nila? Bawal ba magkaroon ng dahilan? Buhay mo ba yung buhay nila? Maging sensitive ka naman. Nakakahiya naman sa magulang mo, pinapakita mong ganyan ka nila pinalaki. Isipin mo muna yung mga taong nasa paligid mo bago ka kumilos ah? Ayos mukha din pag may time.

Monday, 21 October 2013

Huli na?

Sabihin nalang nating matanda ka na. May mga anak kung gusto mo. Okaya partner lang, di niyo trip mag-anak. Okaya ikaw lang mag-isa. Kung san ka masaya. Matanda ka na. Pero huli na ba?

Sa pagko-commute ko, marami na kong nakitang ugali ng matatanda. May mga walang pakealam na tahimik lang, di na nagpapaapekto sa mundo. Meron namang maaalahanin at pag tinignan mo sa mata, may pag-asa pa sila. Meron din yung tahimik lang pero magugulat ka nalang, magpaparinig. Napaka-bitter. Nabubuhay nalang sila para mamatay.

Yan ang nakakapagtaka sa mga matatanda sa panahon ngayon eh. Di naman sa pagiging masama pero parang ayaw nila mag-adapt sa panahon ngayon. Ginagamit pa nila yung katandaan nila para humingi ng respeto. Para tingalain sila. Hunghang. Di porket matanda ka na, lagi kang susundan. Lagi kang aalalayan. Lagi kang nirerespeto. Hindi automatic yung ayaw kang paupuin tapos magpaparinig ka pa. Hindi lahat ng bata masaya. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay may problema, lalo na sa school. Napapagod din ang bata. Pwede mo naman silang pagsabihan eh. Ts nung naka-alis na, magpaparinig ka pa ts ipapahiya mo pa siya kung wala na siya. Imbis na tinulungan mo siyang makatulong, pinagmukha mo na siyang masama, pinagmukha mo na rin ang sarili mong masama. Sa huli umuwi ang lahat na hindi masaya.

May mga matanda namang masipag. Masiyahin pa rin. Nakakagulat pa at marunong magpakumbaba. Marunong tumanggap ng pagkakamali. Ang sarap kumausap ng taong ganun diba? Pero sa totoo lang, wala pa kong nakikitang taong ganun. Nakakalungkot. Baka di tumatagal ang mga taong ganun. Sayang.

Pero seryoso, may mga matatanda kasing ayaw na tumanggap ng pagkakamali. Di na marunong makinig sa iba. Huli na? Siguro. Naiintindihan ko namang ganun na sila lumaki eh pero hindi naman huli na para sa kanila na matuto. Nakakaasar lang kasing isipin na sila yung mga matatanda, dapat sila yung role model. Pero hindi eh, kung ako yung susungitan nila, syempre hindi ako matutuwa sa ugali nila, hindi ko sila gagayahin. Parang tinutulungan lang nila sarili nilang kamuhian ng mundo eh, nakakalungkot lang talaga.

Siguro sa dami ng problema kaya sila nagkakaganun. Pero parepareho lang naman lahat ng taong may problema eh. Nasa ugali mo naman yun kung pano mo sila haharapin. Patas ang mundo. Nagmumukha lang hindi patas kasi hindi tayo pareparehas mag-isip. Talagang wala sa edad ang pagiging mature, nasa pag-iisip na ng tao yan. At hanggang buhay ka pa, hindi pa huli ang lahat. Kaya mo yan.

Monday, 7 October 2013

Ha

Marami na kong nasulat tungkol sa mga mayayabang. Kung dati ka pa nagbabasa dito, alam mo na yun. Minsan, hindi gustong paniwalaan yung mga pinagsasabe ko pero sa mga naranasan ko netong mga nakalipas na mga buwan, totoo talaga. Wala na kong magagawa diyan.

Dati'y may pag-asa pa ko sa mga taong may ugaling nabanggit ko. Pero hindi madali magbago ang isang tao. Matagal. Lalo na kung nasa stage siya na umaasa siya sa mga opinyon ng kaibigan niya, kaya nagkakaroon siya ng lakas ipagpatuloy yung maling akala niyang tama. Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon at sa edad nila, hindi angkop yung ugali nila. Yung inaasahan mong marunong na silang mag-handle ng responsibilidad pero siguro dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila, nahahadlangan din yung dapat na nangyayari.

Sa tingin ko, wala tamang oras sa pagma-mature. Depende sa sitwasyon. Tsaka dun nga sa mga taong nakapaligid sa isang tao. Ang laki ng epekto ng paghawa ng ugali ng isang tao sa iba. Minsan napipilitan kang maging plastic kasi ayaw mo namang mag mukhang masama kahit na ayaw mo talaga sa tao. At bakit may mga taong ayaw sa ibang tao? Kasi hindi sila magkatulad. Ayaw niyang pumatol sa ugali nung isa. Ayaw niya ng away o gulo.

Normal lang naman kasing may hindi ka maka-sundo dito sa mundo. Iba iba naman talaga ang mga tao eh. Ang hindi ko lang matanggap yung mga taong ipagpipilitan pa yung gusto nila kahit nakakapinsala na sila ng buhay ng iba. Mga don at donya kasi eh. Ganyan na sila lumaki. Hindi nila alam ang sitwasyon ng mga nasa baba. Ang yayabang. Tapos yung mga taong naghihirap umakyat, syempre wala silang pakealam. Hindi nila kayang tumulong at hindi nila alam kung pano tumulong. Pwedeng nahihiya o napaka-ignorante lang nila. Ang sakit isipin pero ganyan ang karamihan ng mga tao ngayon, di na marunong magpakumbaba. Lalo na ang mga kabataan ngayon. Nakakalungkot isipin kasi ang kabataan pa raw ang kinabukasan ng bayan. Kaso kung ganyan din naman pala yung ugali nila, mas okay nang walang kinabukasan ang bayan. Mas pipiliin kong makaranas ng kabutihan sa gitna ng gulo kung saan nakikita ko yung tama sa mali kesa sa kapayapaang hindi mo naman alam kung totoo o nagpaplastikan nalang kayo.

Sunday, 8 September 2013

Traydor

Hirap magtiwala sa panahon ngayon. Depende na rin dun sa mga taong nakapaligid sayo. Swertihan nalang. Kung malas, sorry ka. Maghintay ka nalang. Hindi mo palaging makukuha ang gusto mo.

Kadalasan to sa isang klase. Isang taon mo silang makakasama. Kung di mo sila ka-vibes ts sila yung mga tipong halos walang pakealam sa pag-aaral, sorry ka. Hatakan pababa.

Wag kang mag-alala, may kakayahan ka pa ring kontrolin kung sinong mga tao sa paligid mo. Pero kung isang pag-gu-grupong naganap na ang guro ang namili, sorry ka talaga. Pa-group work group work pa kasi, pwede namang mag-isa diba? Hindi naman sa paglaki mo, lahat ng gagawin mo may kasama ka pa. Pero siguro, ayos na rin tong maranasan paminsan minsan, para alam mo yung pakiramdam na alam mong ayaw mo nang maramdaman pa muli.

Mahirap magtiwala kasi maraming nagmamarunong, nagpapa-impress, para magmukha silang magaling. Tapos sila pa yung alam mong hindi talaga responsable. Aba'y kung magvovolunteer ka, panindigan mo! Puro ka salita nakaka-asar lang eh. Mga simpleng bagay na sinabi mo di mo kaya panindigan, ts ikaw pa yung may lakas ng loob mag-kontrol sa buhay ng iba. Nasabi ko na at sasabihin ko ulit, ayusin mo muna buhay mo bago mo pakealamanan yung sa iba.

Mag-ingat ka rin sa mga kaibigan mo. Alam mo ang masakit sa mga nangba-backstab? Manggagaling sa "kaibigan" mo. Nakaka-asar. Pagkatapos mong magtiwala, para sa kanila, di ka naman mahalaga. Pagkatapos mo silang protektahan, pagkatapos mong mag-alay ng panahon para sa kanila, mang-iiwan nalang sila sa ere. Yung nirerespeto mo sila ts di sila marunong rumespeto. Nakaka-bastos. Ang kikitid kasi ng utak eh. Sarili lang iniisip. Tangina nila.

Nakakapikon nang makisama sa mga ayaw makisama. Eh wala kang magagawa eh. Maghihintay ka nalang. Pero okay lang, basta pag isahan, walang hatakan. Ang maiwan, edi iwan. Nakaka-asar yung pinipilit mong gumanda yung buhay mo pero ang daming eepal at makakapanira sayo. Ganun talaga ang buhay. Walang araw na hindi masisira. Pero hindi nasisira ang ayos at hindi naaayos ang sira. Balanse lang yan. Minsan kailangan mo lang talagang tumingin sa direksyon na masaya ka. Hindi ka makaka-move on kung hindi ka gagalaw. Mag-ingat ka nalang sa susunod. Tandaan mo ring wala ng ibang magmamahal sayo kundi ang pamilya mo at ang Diyos. Magtiwala ka rin sa sarili mo para di mo na kailangan ng "tulong" sa iba. Minsan kasi ginagamit ka lang din nila.

Monday, 26 August 2013

Walang Kwenta

Ngayon ko lang nalaman kung ano pang pinaka-ayaw ko bukod sa mga mayayabang. Group works/projects.

Nakakapikon. Hindi naman kasi lahat kikilos eh. Yung iba puro umaasa lang sa isa. Walang kwentang mga kagrupo yan oh. "Bayaran nalang kita" Ulul. Sayo na yang pera mo. Pasuntok nalang. Pero seryoso, ang sarap manapak nung mga taong umaasa nalang palagi. Nakaka-barda lang kasi alam mong college ka na. College na kayo lahat. Ts pepetiks petiks ka pa rin. Edi dapat di ka nalang nag-enroll. Sayang slot. Pahirapan diyan ts magsasayang ka lang. Nakakahiya ka.

Wala naman talaga kong pakealam kung ikaw yung chill chill lang sa grupo. Nangengealam lang ako pag ako nadadamay. Eh ayoko ng ganun eh. Wag ka nang magpahamak ng iba. Hindi ka boss, hindi ka reyna, hindi ka hari dito. Kung ganyan ka sa bahay mo, pinapaalala ko lang na wala ka sa bahay mo. Maging responsable ka naman.

Ayang 'responsable'ng yan, konting bata lang may alam. Malas mo nalang pag nasama ka sa grupong walang alam niyan. Pabigat yan eh. Kung sarili lang iniintindi niya edi hayaan niyo na siya. Pero kung ikaw yung taong yun, wag ka nang sumunod. Pabigat ka eh. Siguro kailangan mo na ng salamin para malaman mong ikaw yan. O magpasampal ka nalang sa mukha. Matuto kang makiramdam.

Marami akong hinahanap sa tao. Mapili akong kaibigan. Nakakausap ko rin naman kahit sino pero iba yung kaibigan. May kwenta sila. Mapili ako kasi may kakayanan akong kontrolin kung sinong mga taong nasa buhay ko. Maliban nalang syempre yung given na(kaklase). Kung di ka marunong makisama, iiwan kita. Matulungin ako pero kung di mo kaya tulungan sarili mo, ayoko na mag-aksaya ng panahon sayo. Maaaring di ko lang makita ang silbi mo o pinili mo na talagang maging walang kwenta.

Tuesday, 20 August 2013

Kahalagahan ng Itsura

'First impression lasts' daw. Dahil ba dito kaya pag may nakikita tayong sumisikat, hinuhusgahan natin yung itsura niya? Kahit anong ugali, kung pangit yung mukha, pangit agad ugali niya? Okaya naman ay kapag banyaga ang bumangga sating mga Pilipino, huhusgahan agad yung race niya? Di bale na kung magaling, kung naiiba siya sating mga Pilipino eh kaaway na natin siya. Diyan lang naman tayo magaling eh. Gumagana lang pagiging agresibo natin pag may napapansin tayo sa iba.

Noong tumakbo si NB bilang isang senador, ayaw ng karamihan sa kanya. Dahil lamang sa kulay ng balat niya. Meron pa namang dahilan pero kung tumambay ka lang sa facebook at twitter at karamihan sa mga 'friends' mo o kaya sa mga fina-'follow' mo ay ang kabataan, ayan ang bukambibig. Maitim daw kasi.

Eto naman, noong lumaban ang basketball team ng Pilipinas sa mga karatig bansa natin, ang lakas na nating mang-asar. Ang galing no, di bale na kung may talent o wala eh, kung ano lang itsura niya yung agad ipapamukha sa kanya. Natalo lang tayo sinisisi na natin yung mukha niya.

Diyan naman tayo magaling eh. Nanghuhusga tayo depende sa nakikita natin. Napaka-babaw. Napaka-immature. At karamihan sa mga nasa facebook at twitter ay mga studyante pa lamang. Pero hindi yun dahilan para magkaroon sila ng karapatan mang-asar ng mga ayaw nilang tao. Pa-respect respect pa sila eh sila nga hindi marunong rumespeto. Akala mo kanila yung mga social networking sites eh.

San ba natin nakuha yang pag-iisip na yan? Napapansin ko lang, karamihan satin nang-aabuso na ng kalayaan eh. Tulad ngayong linggo, may bagyo lang, "Sana suspended" ang bukambibig. Ayun nasuspend. Ts kinabukasan ulit. Ayun napagbigyan nanaman. Ngayong araw, holiday. Ang sarap no. Pero hindi. May mga loko-loko kasing humihiling ng bagyo para lang sa ikabubuti nila eh. Hindi naman lahat ng mamamayan ng bansang to may natitirhan. Ang tataas kasi ng tingin sa sarili, hindi nila alam na mayroon pa palang nasa baba nila.

Sakit na nga ba to ng mga Pilipino? Siguro. Nakakasawa na nga tignan eh. Tatambay ka lang sa mga social networking sites, ang dami mo nang mapapansin. Maraming nagmamarunong, mali naman. Yung iba naman akala nila nakakatawa sila, hindi, nang-aasar lang. Kelan pa naging nakakatuwa ang pang-aasar sa likod ng computer. Buti kung harapan silang nang-aasar eh.

Mababago pa ba to? Pwede. Kung kumikilos lang yung mga taong alam ang katotohanan at nakikita yung tama, baka magbago pa. Kaso hindi naman posibleng magbago  ng ilang araw lang yan eh. Isipin mo nalang. Yung mga 13-16 year olds na mahilig mang-asar na nasa facebook mo ngayon, tingin mo ba mababago nila yung bansa? Sila-sila rin naman yung mga taong naghahanap pa ng kakampi bago mang-asar. Pag marami na sila, tingin nila tama sila. Nakakaiyak kasi wala man lang silang sariling pananaw kung pano sila mabubuhay nang wala ang iba.

Pag-asa pa ba ng bayan ang kabataan? Eh kung matitino lang role models ng mga kabataan ngayon eh. Pero hindi, yung iba, dun lang sa mga musika. Mga magagaling kumanta at may itsura at dugong banyaga, dun sila. Pano magbabago yung bansa natin ng mga kabataang hindi mahal yung sarili nilang bayan? Eh pano mo nga ba mapapakitang mahal mo ang sarili mong bayan?

Ako? Representasyon lang ako ng mga mahihiyaing Pilipino. Maraming opinyon pero wala lakas ng loob magsalita at kumilos. Hindi ako ganoong tao. Alam ko naman eh. Kilala ko ang sarili ko. Pero hindi pa ngayon ang panahon. Sino bang makikinig sakin, bata lang naman ako. Karamihan pa naman sa mga tao ngayon di marunong makinig. Iba lang paraan ko ng pagkilos. Sapat na yan, wag mo muna akong husgahan.

Sunday, 4 August 2013

Drama rama

Ayoko sa drama. Ayoko pag may umiiyak. Ayoko pag may nagpaparinig na nahihirapan na sila, yung tipong gusto na nilang sumuko. Ts pina-public show nila na akala mo nasa tv sila. Nakakairita. Ayoko sa mga taong naghahanap ng ka-dramahan sa buhay. Pwede namang magpakasaya eh. Ts pag may problema, harapin mo. Wag mong iyakan. Kahit sa kabilang mundo hindi solusyon ang pag-iyak sa problema.

Naaawa rin naman ako sa kanila eh. Parang hindi nila alam kung pano solusyonan yung problema. Gusto mong tulungan pero ayaw mong paasahin yung tao pag hindi mo rin na-solusyonan. Naiisip mong ano bang ginawa niya para maparusahan ng problemang ganun. Pero malay mo, nararapat din sa kanila. Ewan ko nalang.

Isa pang problema dito, pag matanda na yung inatake ng problemang mga ganyan. Sobrang nakakaawa. Ang sakit tignan. Nagpapaka-hirap sila para masolusyonan yung problema. Ts ewan ko, pag ako kasi iniintindi ko nalang. Normal lang naman magkaproblema tsaka pag nandyan na yan, wag mo na patagalin. Pati ba naman yan ipo-procrastinate mo.

Nag-iiba talaga ang tao pag sinasampal mo ng problema sa mukha ano? Yung iba, iiyak. Yung iba wala lang. Yung iba nagtatapang-tapangan. Yung iba ibibigay sa iba, share daw sila e. Ang gulo ano. Conclusion: Wala sa problema ang problema. Ang problema ay yung may problema. Problema mo nang intindihin yan.

Saturday, 3 August 2013

Dutsbag

May kakilala akong FC. Kasi isang beses pa lang naman kami nagkikita. Tapos yon, fc siya. hehe. Pero hindi dun nagtatapos ang lahat. Nagsisisi akong in-accept ko siya sa facebook (pero naka-hide yung mga pinopost niya) at finollow niya ako sa twitter (malamang fa-followback ko baka umiyak eh(jk)). Nakaka-asar yung ugali niya. Di ko matandaan kung naging dahilan na siya ng mga blog post kong pang-immature eh, pero immature talaga siya.

Siya yung tipo ng taong tingin niya, pala-kaibigan siya. Pero sumosobra siya minsan eh. Nakikiride siya sa mga trip ng tao at feeling niya nagkakaintindihan sila. Pero hindi kasi dapat ganun. Wag mong pwersahin yung conversation. Hindi porket gusto ng iba gugustohin mo rin. Okaya pag naiiba yung opinyon mo isasaksak mo sa baga ng iba. Pakealam ba nila? Nirerespeto ka naman nila eh edi respetuhin mo rin sila. Umeepal pa sa buhay ng iba eh hindi naman kayo magka-lapit na magkaibigan.

Tanggap kong may mga taong hindi pa nagmamature pero ang sakit kasi tignan. Ibang iba yung ugali ng mga taong ineexpect mong aasta na tugma sa age nila. Akala ko naman pag magha-high school na ako eh mas madali na intindihin yung mga tao. Ayun, hindi pala. Ts pagtungtong ko sa college, akala ko eto na talaga yun. Sabay ganun din pala. Minsan mas malala pa. Pero ayos lang. Umpisa pa lang naman eh. Ang hindi kaya sumunod, maiiwan. Bahala na sila diyan. Paalam.

Wednesday, 31 July 2013

nakasementong paa

Ang sakit talaga pag yung pag gising mo sa umaga, magpapagod ka sa eskwela tapos pag uwian na, ang uuwian mo ay tila ang pinaka-puso ng problema. Parang wala kang kawala. Nagkakaroon ka ng kalayaan pero pagtapos ng araw balik problema nanaman.

May mga tao kasing porket nasa isang grupo o pamilya, iniisip na nilang magkakaparehas sila. Eh pano pag mali ka? Wag kang mayabang na tila kilala mong lahat ng kasama mo, nagkakamali ka. Lahat ng tao may tinatago. Tarantado ka nalang kung ang taas ng pag-iisip mo pero sa totoo wala kang alam tungkol sa tao.

Kung tatanungin mo naman kung bakit hindi mo nilalabanan, kasi maaaring wala kang lakas ng loob. Lalo na kung nakatatanda yung "nagmamarunong" na yan. Kadalasan yan hindi na nakikinig at iniisip nilang tama sila lagi, matanda na kasi eh, alam na daw nila lahat. Siguro tanggap na nilang "matanda" na nga sila at ayaw na nilang magpaka-bata, sayang ang buhay.

Minsan pa ngang ina-assume na nilang alam mo na lahat. Bakit, nagbigay ka ba ng briefing kung pano ko bubuhayin sarili ko? Kung ano yung alam ko noon, yun lang din alam ko ngayon, alam mo kung bakit? Kasi hindi naman ako gumagalaw eh. Walang pinupuntahan yung buhay ko. Tuwid lang. Para akong asong nakatali sa bahay. Pano ako matututo kung pag may dumarating na bago, tinatakpan niyo ang mga mata ko.

Intindihin niyo namang magkaiba tayo. Kung gusto niyo akong may malamang bago, matuto magtiwala at magpakawala. Kung maganda yung resulta edi ayos, kung pangit, edi wala. Ganyan naman ang buhay eh, hindi perpekto. At matututo ka lang kung marunong kang umapak at tumayo, hindi yung lagi ka nalang nakakulong sa mundo mo.

Friday, 26 July 2013

Hi

Di ko alam kung nasabi ko na to at kung nagkaroon ka na ng idea pero sasabihin ko na: karamihan ng problema ko ay hinuhugot ko sa pamilya ko.

Hindi kami palaging nagkakasundo. Laging sila ang masusunod. Hindi ako spoiled. Ayokong nagmumukhang masama, kahit saang bagay, pamilya man o kaibigan, basta kahit saan ayokong nagmumukhang masama. Gusto kong sila nalang masusunod para hindi na ako magmukhang masama. Kasi minsan pag ako yung pumipili, aangal sila, edi wag nalang. Gumagawa pa ng problema eh.

May mga oras din naman na siyempre, ako na ang masusunod. Pero yan ang mahirap para sakin. Kasi hindi ako pala-salita. Gusto kong nakikita nila yung resulta ng desisyon ko. Ayokong nagsasalita kasi umaasa sila. Ayokong nagpapa-asa. Ayokong maka-disappoint. Gusto ko yung pakiramdam na sa paghihirap ko sa pag-gawa/trabaho, magiging maganda yung resulta. Para sakin yun yung mahalaga. Gusto ko yung pakiramdam na sulit yung paghihirap na makakapag-bigay ka ng saya sa ibang tao. Ang sarap nun.

Kaso ipasok na natin sa pamilya. Dito na ako yari. Kasi sila, puro sila salita. Wala silang pakealam sa pag-gawa. Ewan ko ba. Basta ibang part yung mahalaga para sa kanila. Ayokong nakikita nila akong gumagawa. Gusto ko lang na pinapakita sa kanila yung resulta. Pero para sa kanila, wala talaga. Parang iniisip nilang niloloko ko lang sila. Parang nadadaya sila. Parang walang tiwala sakin.

Syempre masakit yun para sakin. Hindi ko talaga alam kung bakit magka-iba kami. Eh iba pananaw ko sa buhay eh, bakit kailangang pakealamanan? Alam ko namang concerned lang sila pero hindi ibig sabihin susundan ko yung yapak nila. Open naman ako sa mga opinyon nila eh pero wag lang nila kontrolin kung ano'ng akin.

Maaaring sinasabi ko lang to kasi barda ako ngayon pero wala, nakasanayan ko lang gawin to. Bahala na.

Sunday, 21 July 2013

Ano bang dapat mong gawin sa ex mo

Hindi nga madali mag-move one. Eh sino ba kasing may sabing makipag-relasyon ka na, eh thirteen ka pa lang?! Di bale, nandito ako para tulungan ka. Kung meron kang problema sa overly-attached mong ex, okay lang yan. May mga tao talagang makati at mahirap patigilin. Gagawin ang lahat para masira ang pangalan mo. Wag kang mag-alala, isipin mo nalang na "I am titanium."

Biro lang siyempre. Pero eto na.

Una, wag mong sisiraan si ex. Pwede mong gawin indirectly, tulad ng pagpaparinig, malaya ka at hindi masama magparinig. Masama bang mag-status sa facebook okaya magtweet sa twitter? Hindi naman diba? Edi malaya ka nga. Wag ka lang oa. Maaaring bitter pa kayong dalawa pero hindi ibig sabihin nun magbabanggit ka ng pangalan at direkta mo siyang sisiraan. Ex mo nga eh. Ibig sabihin hindi kayo para sa isa't-isa. Pero wag mong awayin. Masama mang-away sa kahit anong sitwasyon.

Pangalawa, pag ikaw yung sinisiraan, hayaan mo na siya. At least alam mong wala kang ginagawang masama. Eh immature siya eh, wala kang magagawa. Pumayag siyang mag break kayo tapos siya pa magagalit at pagmumukha-in ka pang masama? Tsk tsk tsk. Ts kahit kausapin mo siya, o-oo nalang siya pero sa isip niya, masama ka pa rin. Walang punto mag-aksaya ng panahon sa mga taong sarili lang ang iniisip at hindi marunong magpakumbaba. Taas ng pride eh, hayaan mo na, babagsak din yan.

Karaniwan din yung kapag iisa lang ang barkada niyo, eh madadamay na ang lahat. Wag kang humarap kung hindi mo pa tanggap. Kailangan mo ng oras para sa sarili mo. At respetuhin mo rin na kailangan niya ng oras. Pag nauna siyang dumikit sa barkada, layo ka muna. Ts pag meron ka ng lakas ng loob kausapin siya, tanungin mo kung pwede ka na ulit sa barkada. Kailangan mo siyang kausapin para malinaw. Hindi yung susulpot ka lang agad ts magko-cause ka ng drama. Talk to him/her privately(nucks um-english). Ang unang hakbang sa pag-move on ay ang pagtanggap.

Eh pano naman kung ayaw niya pang makipag-bati sayo? Hayaan mo, bigyan mo ng time. Wala kang magagawa. Hindi mo naman siyang mapipilit na maging magkaibigan ulit kayo ng ganun ganun nalang eh.

Eto pa. Wag kang magseselos pag may bago na siya. Alalahanin mo lang yung three-month rule ni papi John Lloyd Cruz. Pag three months na, okay na. Hayaan mo na. Mahirap yung wala kang focus sa mga ginagawa mo dahil sa isang tao. Pero may catch yan. Pag si ex pala ay nakita mong papalit palit nalang siya ng bfs/gfs, nakupo naloko na. Makati pala siya. Sasabihin ko nang wala ka nang magagawa diyan, hayaan mo na siya.

Eh pano kung pinagseselos ka ni ex? Ibig sabihin nun, pinapairal niya lang ang pagiging overly-attached niya. Kung marami na siya ex ts ikaw yung pinagseselos niya, may gusto pa siya sayo. Okay lang kung may gusto ka pa rin sakanya pero pag alam niyang naka move on ka na tapos siya lumilitaw litaw pa rin, nakaasar talaga pero wala, immature talaga siya. Ang sarap kaya sakalin ng mga taong ganun. Yung tipong pinapamukha niyang buhay pa siya kahit alam mo naman. Papansin pa eh. Tsk tsk tsk.

Ang pagpasok kasi sa relationship ay hindi para sa lahat. Kung first time mo, mag-isip isip ka muna. Kalokohan lang yang pag-ibig na yan, lalo na kung hindi mo naman prayoridad, kung studyante ka pa lang. Okay lang magka-fling fling pero wag mo naman seryosohin masyado na nagdedepend ka na sa partner mo. Ano ka ba, magulang mo nga bumubuhay sayo eh, hindi naman ikaw tapos gusto mo ng buhayin partner mo? Goodluck nalang.

Enjoyin mo buhay mo habang single ka pa lang. Hindi umiikot ang mundo mo sa pag-ibig sa syota mo, sayang oras at pera mo diyan. Kung meron kang oras at pera eh syempre ayos na. Mag-ingat ka lang sa pagbabahagi mo ng buhay mo sa mga tao. Mahirap maging dependent.

Saturday, 13 July 2013

Matapobre

Ngayon lang ako nakakita ng matapobre. Dati alam ko kung ano sila pero hindi pa talaga ako nakakakita. Pero ngayon ko lang napansin na matapobre tong taong to. Nakakabadtrip eh. Yung mukha niya nagpapakita mismong matapobre at mayabang siya. Nakakabwisit.

Pikon ako sa mga mayayabang. Gusto kong ipa-mukha sa kanilang hindi sila ang may-ari ng mundo at hindi sila may-ari ng buhay ng ibang tao. Wala silang karapatang pag-tawanan yung mga simpleng pagkakamali ng ibang tao. Pero nakaka-asar eh. Yung nasa harapan mo mismo ts nang-huhusga siya. Kingina mo.

Alam kong pag dinikitan pa rin niya ko, baka di ko na matiis at mapa-away lang ako. Pero ayoko. Kaya minsan di ko nalang pinapansin. Nagsasalita siya bigla pero walang sasagot. Wala lang. Parang hangin lang siya. Yabang mo eh. Wala tuloy pumapansin sayo.

Ngayon ko lang nalaman na ganun ang epekto sakin pag may mayabang na nasa paligid ko. Grabe nakaka-kulo ng dugo na gusto ko na siyang sapakin at bugbugin. Pero wala, narerealize ko agad na galit ako at nakokontrol ko yung galit ko. Naiisip ko na kung anong mangyayare sa kanya eh kaya naawa pa ako nun. Pero kung di ko napigilan, matatanggal na siguro ako sa skwelahan.

Ang nakakainis sa lahat, wala akong choice na lumayo sa kanya kasi sumasama siya sa tropa. Kasi kami kami yung unang magkakasama kaya mahirap na umalis sa ibang tropa wala akong mapupuntahan. Badtrip talaga eh. Alam mo yung pakiramdam na may nakilala ka pero hindi mo siya gusto, as in yung ugali, tapos pinipilit niya na magkaibigan kayo na ume-fc siya sayo. Nakakaasar eh. Wala naman kayong pinagsamahan tapos napaka-feeler niya naman. Ibang tao pa to ah.

Siguro dahil sa pinaggalingan ng isang tao kaya siya nagkakaroon ng ugaling ganun. Nakakaasar pero wala akong magagawa. Pag ganun kasi, sarili lang niya iniisip niya. Wala siyang pakealam kung nakakasakit siya ng ibang tao. Immature. At yan ang problema ngayon. Mahirap makisama sa mga immature. Kaya ako mas pinipili kong mapag-isa para di ko na pinoproblema yung ibang tao. Kaso wala, minsan napipilitan ako. Minsan kaya ko pero wala, may mga tao talagang kailangan mong problemahin, at para sakin, yung mga mayayabang.

Thursday, 27 June 2013

Impresyon sa Kolehiyo

Fourth year student ka na? Congrats! Malapit mo nang marating ang kalayaan. Malaki ang kaibahan ng kalayaan sa high school, kung saan na pinapalabas ka na ng guard sa campus pagtapos ng klase, at sa kolehiyo na kahit anong oras ka nang pwede lumabas sa campus. Pero depende yan kung nasaang unibersidad ka.

Kalayaan. Tama ang narinig mo! Malaya ka na. Pero hindi ibig sabihin noon ay gagawa ka na ng kabalastugan at katarantaduhan sa mga natitira mong taon ng pag-aaral. Kung sa high school ay ikaw yung alipin, sa kolehiyo hindi ka na alipin! May karapatan ka na sa buhay mo. Ang saya diba? Naeehersisyo ang karapatan mo bilang isang tao sa kolehiyo. Ikaw na bahala kung pano mo gusto mabuhay, kung gusto mong makapagtapos, magpasa ka ng mga kailangan at galingan mo sa klase at mag-aral nang mabuti okaya i-petiks mo na rin lahat, kalimutan na yung mga requirements at wag nang pumasok sa klase at maging tambay nalang sa labas.

Ganto kasi yan. Sa kolehiyo, hindi lahat ng gagawin sasabihin sayo. Di ka na grade 3. Ikaw na bahal dumiskarte kung pano mo gagawin yung pinagawa sayo, syempre hindi sapat yung may nagawa ka lang, dapat competitive ka pa rin, wag mo hayaang hanggang average nalang kaya mo, mahirap hirap yan kasi yang mga kaklase't kaibigan mo, magiging kaagaw mo yan sa paghahanap ng trabaho.

Isa pang mahirap sa college ay ang pag-aadjust. Magandang naeexercise mo yung kalayaan mo pero dapat matuto ka rin gumawa ng limitasyon. Yang limitasyong iyan ang magsasalba sa buhay mo. Totoong sa college, walang direksyon ang buhay mo. Ang maganda dun ay ikaw ang gagawa ng direksyon mo sa buhay at magsisimula yan sa mga maliliit mong desisyon araw araw.

Hindi ko intensyong manakot, nais ko lang magbahagi kung anong mangyayari sa mga unang araw mo sa kolehiyo. Wag kang mag-alala. Yung katabi mong hindi mo kilala, kinakabahan at natatakot din yan. Pero sinisigurado ko sayo, isang linggo lang lumipas, sobrang saya niyo na. Pero tandaan mong hindi lahat ng sobra ay maganda.

Friday, 21 June 2013

Pagtatanong

Wala namang mali sa pagtatanong diba? Pero bakit may mga taong minamaliit yung mga nagtatanong sa kanila? Kung di ka ba naman kupal eh. Bakit mo gagawin yun? Mayabang ka kasi, yun yon!

Nasabi ko nang okay lang magyabang pero dun lang sa mga bagay na "ikaw" yung dahilan. Halimbawa, gumawa ka ng milagro, at iba pang tulad ng ganun. Meron ding kayabangan sa pagmamaliit ng ibang tao. Maling mali yan. Para sakin, malapit ka na sa isang demonyo kung ganun ka.

Maaaring ginagawa ko yan. Pero hindi sa mukha nila. Nag-oobserba kasi ako. Pag hindi ko nagustuhan at pag nakikita kong hindi maganda yun, edi ayoko dun. Pero yun nga, kung ipapamukha mong walang kwenta yung taong nasa harap mo, baka masapak kita at matanong kong "Demonyo ka ba, sabihin mo ang totoo!" Pero alam nating lahat na di ko magagawa yun kasi mahiyain ako.

Eto na ang totoo, minsan lang ako magsasabi tungkol sakin. Sensitibo ako. Mukha akong walang pakealam pero sa totoo lang nakikinig lang ako sa paligid ko. Meron akong pakealam, kung hindi lang ako mahiyain at kung makapal lang ang mukha ko, marami na kong kaaway. Marami na sana akong napagsabihan. Marami na sanang nagbago. Pero wala eh, sa pagsusulat lang ako umaabot. Sayang.

Nasabi ko nang mukha akong walang pakealam. Akala ko rin dati. Pero di pala. Sadyang nag-oobserba lang ako at hindi ko kaya diretsuhin yung mga taong gusto ko sana kausapin. May pakealam ako. Kaya yung mga simpleng bagay napapansin ko. At dahil sensitibo ako, napapansin ko rin yung mga pambabatikos sakin. Syempre di ko rin sinasabi na nasasaktan ako, sa totoo lang kasi wala akong pakealam.

Masasabi kong mahirap magpanggap. Pero siguro dahil sa karanasan ko, nasanay na rin. Nais ko ngayong magbago. At yun nga, kusa nang dumarating ang pagbabago. Minsan gusto kong madaliin ang buhay pero wala akong magagawa. Kung ganito ang takbo ng mundo wala akong magagawa. Kung may kapangyarihan lang ako eh.

Wednesday, 19 June 2013

Fourth year HS ka na?

"Anong course mo?" "San ka na mag-aaral?" Yan ang karaniwang tanong sa mga fourth year high school. Kung di mo pa masagot yan, pag-isipan mo na. Mahirap ma-hassle at maipit-ipit ka pa sa course at school mo. Pag wala ka pa talagang sagot sa ngayon, okay lang yan. Marami ka pang oras para mag-isip. Pero sa pag-iisip mo, may mga nasasayang ka rin na panahon at pagkakataon.

Tip ko lang sayo, pag-isipan mo mabuti lahat. Diyan nakasalalay future mo. Di pwedeng "Ah pwede nang dito na ko, pwede na diyan" Eto na yung pagkakataon para lakihan mo yung pangarap mo. Nasabi ko na nga, di porket may school ka may matino kang babagsakang trabaho. Maliban nalang kung spesyal ka talaga. Pero spesyal ka nga ba talaga?

Isipin mo kasi kung san ka magaling. Parang talent. Mahalagang alam mo talent mo para magamit mo. Sayang naman, maraming taong hindi nabibigyan ng pagkakataon makapag-aral ts ikaw magsasayang ka lang ng tuition sa kung saang school ts tatamad tamad ka lang. Nasabi ko na rin dati, pero para malaman mo yung talent mo, yun yung pag may pinagawa sayo, di ka mahihiya. ex pag pinakanta ka, dapat di ka nahihiyang kumanta, ganun lang yon.

Kung tingin mong matalino ka naman, sobrang makakatulong yan kasi parang compatible ka na kahit sa anong course. Pero syempre limitado. Basta pag pilian mo lang yung mga gusto mo, kung san ka magaling. Wag ka ng magdalawang isip dun sa mga pinipilit sayo, sundan mo yung gusto mo kasi ikaw naman yung mag-aaral hindi yung ibang tao.

Sa kalagitnaan ng school year nakakapressure talaga yan. Di yan maiiwasan, iexpect mo na. Lalo na pag naglalabasan na yung results. Kung hindi ka naghanda, expect for the worst. Pero wag ka rin masyado kabahan. Tsaka dapat alam mo na rin yun, di ka na nga naghanda eh alangan namang makuha mo pa masyadong mataas para sayo.

Dahil sabaw ako ngayon, yan lang muna mapapayo ko. At gusto ko pang magpayo pero sa susunod ko nalang isusulat. Gusto ko talagang makatulong pero tinatamad ako ngayon.

Saturday, 15 June 2013

Sikat Ka?

Kung ikaw yung taong mataas ang tingin sa sarili KASI meron kang tinitirang "sikat", masasabi ko nalang na ang immature mo. Wala akong pakealam kung vlogger ka o ginagawa mong meme yung mukha mo kahit mali yung pag gamit mo. Wala akong pakealam sayo. Hindi ko gusto yung mga taong naghahanap ng kakampi sa "fans" nila o yung mga taong sumusubaybay sa mga vlog mo. Ibig sabihin ba niyan ginagawa mo yung vlog mo para maghanap ng kakampi sa opinyon mo?

Ako, nagbblog ako kasi wala akong kausap. Gusto ko lang mashare dito kung ano yung naiisip ko. Minsan nagmumukha akong desperado maghanap ng kausap. Pero hindi ako natutuwa kapag may naaawa sakin. Ayoko sa mga taong sumusunod nalang palagi dun sa mga sikat. Yung porket marami siyang fans eh pinaniniwalaan na siya agad. Kasi nakakatawa siya. Kasi maganda/pogi siya. Ayoko dun sa mga taong nanggagamit at dun sa mga taong nagpapauto. Wala ka man lang sariling opinyon sa buhay mo? Puro ka nalang panggagaya? Wala kang patutunguhan niyan parekoy.

Kaya hindi ako nagpopost ng picture ko sa facebook/twitter o sa blog kong to kasi ayokong may sumusunod sakin. Hindi ko kailangan ng fans. Nakakauto kasi yan eh. Sa totoo lang wala akong hinihintay na taong darating sa buhay ko. Masaya siya kung mangyari man pero hindi yun yung goal ko dito. Nagbblog ako kasi maaaring makatulong. Ayokong sumikat kasi minsan sila pa yung mga inaayawan ng tao. Pag maraming fans marami ring haters. Wala lang akong oras problemahin yan.

Nagbblog ako ngayon kasi may nakita ako. Nakakapikon eh. Wala akong tinitirang tao. Sinasabi ko lang to para dun sa mga taong nagbabasa dito, na kung ikaw yung taong nais lang sumikat tapos gagamitin mo yung itsura mo o kung anong parte ng pangangatawan mo o basta kung ikaw yung taong gumagawa ng kalokohan para sumikat, kung ako sayo wag mo na ipagpatuloy yan. Wag mong gawing kalokohan yung buhay mo para tanggapin ka ng ibang tao, sinasabi ko na sayo hindi sulit yan.

Magulo ako ngayon, alam ko, marami kasing pumapasok agad sa isip ko eh. Pero eto lang masasabi ko, at uulit ulitin ko pa kung kailangan: hindi mo kailangang sumikat para tanggapin ka ng ibang tao. Wag kang magpakain sa kasikatan. Kung nais mong magserbisyo, mag-umpisa ka sa maliliit na bagay. At hindi mo rin kailangang manira ng iba. Maling mali manira ng ibang tao. Mali rin ang pagkkwento kahit kanino, lalo na sa blog mo yung tungkol sa mga taong naging parte ng buhay mo. Wala namang may pakealam sa buhay mo eh. Maliban nalang kung may stalker ka. Pero seryoso wag. Sinisira mo lang pangalan mo.

Tuesday, 11 June 2013

Education Rant

Hindi ko alam kung na-blog ko na to (as always).

Hindi man ako magaling mag-English okaya mag-Filipino(kahit na laging yan ang ginagamit ko), sinusubukan ko ang lahat para maparating yung gusto kong sabihin. Hindi ako magaling magsalita. Magaling ako magsulat. Ayoko sa boses ko, ayokong nagsasalita. Hindi ko tipo yung edukasyong kailangan mong magsalita kasi ge-grade-an ka ts pag di ka nagsalita eh bagsak ka na. Pwede namang isulat. Pero wala eh, prof ang batas sa classroom.

Ayokong gumagastos ng sobrang laki para "makapag-aral". Iba-iba ang gastos sa iba-ibang skwelahan at kurso/kolehiyo. Pero kung gusto mong bigtime yung matutunan mo, bigtime din yung babayaran mo. Sinong matutuwa dun? Pano kung wala kang pera, san ka nalang pupulutin niyan? Wala namang mesiyas na magliligtas sa mga mahihirap at bibigyan sila ng mga pagkain at pera. Kung walang tutulong galing sa taas, ang mga nasa baba ay hindi tataas.

Scholarship? Nakaka-loko to minsan eh. Bakit kailangan mong maging matalino para makaltasan yung babayaran mo? Ang katalinuhan ba ang pinaghuhugutan ng kapangyarihan? Kailangan bang matalino nalang lagi yung bida? Sila nalang yung laging namumuno? Eh pano kung matalino ka nga, mas masahol ka pa pala kay Satanas? At pano nanaman yung mga matatalinong wala talagang pera? Pano kung nakatira siya sa gubat at wala namang siyang pera para makapagpatuloy ng pag-aaral? Wala na?

Mga libro? Bakit mahal ang libro? Kasi mahalagang impormasyon yung nilalaman? Eh bakit kailangan mong magbayad ng 300+ para sa librong hindi naman lahat ng pahina ay may katuturan? Bakit mo babayaran yung impormasyon, eh yung tsimis mas mabilis pang kumalat. Eh kung i-tsismis nalang din kaya natin yung mga theorem sa geometry okaya mga trigonometric identities na yan?

Iilan lang to sa mga problemang hindi madaling baguhin sa bansa natin. Paglipas ng panahon pamahal nang pamahal yung edukasyon. Wala eh, ganyan talaga ang buhay. Hindi naman natin pwedeng i-reset nalang yung mundo. Pero ang masama diyan, ayun na nga, pamahal nang pamahal yung edukasyon, pahirap nang pahirap yung mga tao. Pano na uunlad yung bansa natin niyan?

Maaaring tunog immature ako, wala akong pakealam. Yung point of view ko, pov ng isang studyante. Pero kahit studyante lang ako, malaki ang concern ko sa pera. Magastos kasi sa pinasukan kong course at school. Hindi naman sa nagsisisi ako pero nakakapanghinayang lang talaga. Pano kung may mangyari tapos sa isang iglap, mawala nalang yung lahat ng pinaghirapan mo? Ano nalang naging silbi mo sa mundo? Wala, para ka lang isang alikabok na nabigyan ng buhay tapos magiging alikabok ka nalang pala habang buhay, wala rin. Wala na.

Thursday, 6 June 2013

Mag-isa

Di ko alam kung na-blog ko na to.

Sabi nila, walang taong kayang mabuhay mag-isa. Totoo naman. Tignan mo naman kung anong nangyari kay Tom Hanks sa Cast Away. Alam mo na yun. Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit mahirap mabuhay mag-isa?

Ang pinaka-logical na sagot (para sakin(dahil nasa blog ko ikaw ako ang masusunod)) ay syempre, hindi perpekto ang tao, kailangan niya ng tulong. Nung mga nakaraang araw lamang, akala ko pwede na kaming mag-isa isa sa college. May mga tao naman kasing ganun eh. Pero netong mga nakaraang araw, nalaman ko lang na marami kang mami-miss sa buhay mo kung umiiwas ka sa tao. Seryosong usapan na to.

Ang pagiging isang individualist ay mahirap. Tama ngang hindi ka nakakaistorbo sa buhay ng iba. Ayaw mong pinoproblema yung buhay ng ibang tao. Ayaw mong maattach sa kanila kasi nagiging concern ka sa mga ginagawa nila. Sa simpleng salita, ayaw mong mangealam sa buhay ng ibang tao at problemahin mo nalang ang sarili mo, para at least alam mo kung kelan tulungan ang sarili mo.

Pero sa naranasan ko, napansin kong marami akong hindi nalalaman kung hindi ako nakikihalubilo sa iba. Marami ring pagkakataon na mayroon sana akong matututunan pero dahil sa paglayo ko sa iba, nasasayang na. Kung ikaw yung taong gusto magshare pero inuuna mo ang pakikinig, ikaw na rin ang lumapit. Dumarating na nga yung pagkakataong magshe-share ka rin.

Kung problema mo ang pagiging mahiyain, may solusyon diyan. Unti-untiin mo lang. Wag ka matakot. Basta wag na wag mong idi-discourage yung sarili mo. Nagsasayang ka ng mga pagkakataon. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Mahalin mo yung sarili mo. Basta unti-unti lang. Mabuti na yung gumagalaw kahit konti kesa wala kang narating. Kaya ka nga nagpapractice eh. Lahat ng bagay, kaalaman o talento natin ngayon ay maaaring konti lamang pero pag nagfocus ka at napapractice mo, siguradong mag-iimprove ka.

Wednesday, 5 June 2013

Nega

Inaamin kong nega ako mag-isip. Sa totoo lang parehas. Mahirap kasi yung lagi kang positibo ts yung hindi mo inaasahan, nandiyan na sa harap mo, hindi mo na tuloy alam gagawin. Pag lagi ka namang negatibo, ang hirap i-enjoy yung moment, lagi kang may iniisip. Pero mahalaga rin naman ang pag-iisip diba? At least hindi ka mukhang tanga.

Pero kahit ganun, dapat pili yung mga bagay na pinag-iisipan mo nang masama o mabuti. Wag mong sobrahan, sinasabi ko na sayo para hindi ka na tumulad sakin. Tingin ko naman nasa tao na rin yan eh. Kaya hindi na rin kita siguro mapipilit. Pero sasabihin ko nalang rin kung bakit ba ginagawa ang pag-iisip nang ganto.

Tahimik lang talaga ako sa personal. Marami akong iniisip. Hindi ko alam kung tamad akong makipag-usap o wala lang talaga akong masabi. Kaya sa pag-oobserba nalang ako magaling. At pag nag-oobserba, nag-iisip. Mahalaga yun. Napakahalagang mag-isip ka muna bago ka mag-settle dun sa napili mo. Diyan namumuo ang pagsisisi.

Simple lang naman yan eh. Kung hindi ka komportable sa sagot, maghanap ka pa. Hindi porket may isang nagsabi yun na yung paniniwalaan mo. May opinyon din naman yung iba, imposibleng wala. Isa pa, ang opinyon ay hindi ginagaya, nagkakataon lang talagang parehas ang naiisip ng dalawang tao sa isang bagay.

Sa totoo lang mahirap maging nega. Tulad ngayon. Mukhang seryoso at "nega" yung mga topic ko kasi mas madali siyang mapansin kesa dun sa mga magagandang bagay. Mas madali manghusga. Mas madali yung alam mo yung mali mo para hindi na gayahin ng iba. Ibig sabihin non, natuto ka.

Sa huli, ang pag-iisip nang masama ay hindi talaga masama. Mas ayos nga eh, nagmumukha kang matalino, pero opinyon ko lang naman. Pinapakita mo kasing kailangan sigurado ka. Hindi pwede yung wala kang alam, o kung may alam ka man, mali. Parang wala rin. Ang pagiging positibo naman, darating yan. May mga bagay na dumarating sa buhay natin na pwedeng magpasaya satin at darating din yung mga magpapalungkot satin. Normal na yan.

Uulitin ko, darating sa buhay natin ang lungkot at ligaya, positibo at negatibo. Pero nasa satin pa rin yan, kung pano tayo mag-isip. Pero eto ang tanong: Nag-iisip ka nga ba?

Wednesday, 22 May 2013

Mga tula

Sorry kung dalawang tula lang yung nagawa ko at mediocre pa. Eh wala eh, bored lang talaga ako nun. Tsaka sa sobrang biglaan, basta magrhyme lang ayos na. Naniniwala akong sa matagal na paggawa mas maganda yung kalalabasan. Hindi dapat naghahapit. Naisip ko lang talaga gumawa ng tula sa ganung oras kaya nagkataon lang talaga. Kung nagandahan ka ay masaya ako pero kung napangitan ka okay lang din sakin. Post ko yon eh anong magagawa mo. Pero ipapractice ko rin minsan. Malay mo. Yun lang.

Tutor

Di ko na matandaan kung nabanggit kong nagkatutor ako. Oo yata. Basta yon.

Parehas kami ng pinanggalingang school nung high school kaya natuwa siya sakin nun. Mabait siya. Maka-Diyos. Maraming nangyari sa buhay niya kaya marami talaga siyang makkwento. Hindi lang yun, sabihin nalang natin na maraming bagay ang nagkapagbago sa kanya. Nakakamangha. Maganda lang pakinggan na meron pang pagkakataon na magbago ang isang tao. "It's never too late to change" ika nga nila.

Ishe-share ko lang yung tinuro niya sakin. Tungkol ito sa pag-aaral. Medyo nasabi ko na yata to pero uulitin ko nalang.

Kung trip mo, tanong mo sa first day niyo sa teacher mo na bakit niya tinuturo yung subject niya. ex "Bakit niyo pa ituturo samin ang math?" Ang sagot niya dapat ay may kinalaman sa pag-eexercise ng utak mo. Pag sinagot niya na "Para makatapos ka ng pag-aaral," most likely ang ibig sabihin niyan ginagawa niya lang ang trabaho niya. Wag kang madismaya, okay lang yun. Pero ayun na nga, nasabi ko na. Para ma-exercise ang utak mo.

Seryosong usapan yan. Natanong mo na ba kung bakit ka pumapasok sa school? Ganto kasi yan, pumapasok ka sa school para malaman mo kung san ka magaling. May mga batang magaling sa math, magaling sa english, sa a.p., ganon at ganyan. Yun yung pinakalayunin niya. Para ma-distinguish mo kung san ka magaling. Kaya mula bata ka palang hanggang maging teenager ka, ieexercise yung utak mo. Tanggapin mo nalang. Ganun talaga ang natural na takbo ng buhay.

Kaya taon taon kang nag-aaral para tuloy tuloy yung natututunan mo. Hindi ka pwedeng magskip o tumigil kasi nahihirapan ka na. Nasa school ka para di ka mahirapan. Humingi ka ng tulong. Mahirap pa ba yun?

Kaya pahirap na pahirap ang pag-aaral sa high school. Eh ganun talaga eh, alangan namang pabalik. Tanggapin mo nalang.

Alam kong sa high school eh medyo mahirap at alanganin lalo na pag masyado kang malaya. Letse kasing adolescence stage yan eh. Pero ganyan ang takbo ng buhay, wala tayong magagawa.

Pero di porket sinabi kong pag-eexercise ng brain kaya ka nag-aaral ay tatamarin ka ng mag-aral. Hindi pa ganun ka-simple yan. Ang mga guro ay may sari-sariling paraan ng pagtuturo. Kaya normal lang na may mga ilan lang na makakagets at minsan walang nakakagets. Pagka-ganoon ang eksena sa classroom, oras na para humingi ng tulong. Hindi kasi porket nakapagturo na yung teacher eh alam na niya yung ginagawa niya. Di rin siya manghuhula na huhulaan niya pa kung nagets ba nung mga studyante. Sabhin mo pag di mo naintindihan. Di ka naman magmumukhang bobo eh, mas magmumukha ka pang matalino. At tandaan mo, lamang ng matalino ang mga umaasa lang sa itsura nila.

Sa mas simpleng salita. "Wag kang lalabas ng classroom hangga't di mo naiintindihan yung lesson." Pag ayaw kang turuan ng teacher mo, ibig sabihin may tiwala siyang maiintindihan mo. Minsan kailangan mo ring tulungan ang sarili mo. Ganyan kasi ang teacher namin pero yung tutor ko, gagawin niya ang lahat para makatulong. Swertihan nalang talaga minsan sa school/teacher dahil iba iba talaga yan.

Pero seryoso, nagbabayad ka kasi ng pagka-mahal mahal na tuition tapos pinapalampas mo lang yung pagkakataon na may matututunan ka, SAYANG. Nag-aaksayang ka ng pera. Pag ganun yung anak ko, ida-drop out ko siya sa school at bibilhan ko nalang siya ng mga sapatos. Pag laki niya tsaka na siya magsisisi. Eh yun yung buhay na pinili niya eh. Pero hindi mangyayari yun. Pipilitin kong mataas ang pangarap ng anak ko, mapunta siya sa magandang eskwelahan. Hindi ka talaga magiging propesyonal kung wala kang alam.

Wednesday, 15 May 2013

Bakasyon

Inaasahan kong makakalabas ako ngayong bakasyon. Magiging busy. Magiging maka-tao. Akala ko mabubuo na ang social life ko. Hindi pala. Mas lalo lang akong naging mag-isa. Wala akong legit na kaibigan. Puro ako. Walang iba ang buhay ko. Puro ako, nakakonekta sa mundo.

Hindi madali mag-isa. Kasi ikaw gagawa ng lahat. Maaaring naiiwasan mo ngang magkaproblema sa ibang tao pero mahirap talaga. Kailanman hindi ko sinabing masaya mag-isa. Umiiwas lang kasi talaga ako sa mga tao. Ayoko nung makikihati pa sila ng problema. Ayoko nung may binabahagi sila sa ibang tao. Mahirap magtiwala. Lalo na sa panahon ngayon.

Hindi pwedeng yung buhay mo inilalahad mo sa mundo. Nadali na ako diyan. Okay lang naman kasi minsan. Pero kung pinopost mo yan sa facebook mo okaya tinitweet mo palagi kung anong ginagawa mo, karamihan ng nakakakita niyan ay walang pakealam. At hindi ka rin naman artista na kailangang may biography sa internet. Wag kang paimportante.

Minsan naisip ko na yan. Gusto ko ikwento ang buhay ko. Pero wag na pala. Di ko na tinuloy. May mga post na nagbabahagi pero at meron din akong post tungkol sa high school life ko at hindi ko na tinuloy. Hindi naman siya worth it basahin. Kaya yung mga post ko, eto, mga opinyon at mga kamalian ko na pwedeng pagkuhanan ng aral. Narealize kong pag marami kang kapalpakan marami ka ring matututunan.

At balik tayo sa mga "natututunan". Sa buhay mo, normal lang magkamali. Pero di na katanggap tanggap yung paulit ulit na pagkakamali. Maaaring narinig mo na to pero seryoso, nakakainis kasi yung mga taong parang walang natututunan eh. Yung ilang beses na nilang nararanasan pero wala. Wala kasing pakealam.

Hindi ko alam kung bakit lahat ng post ko napupunta sa kayabangan ng isang tao. Siguro yun talaga yung kaaway ko. Ang galing no. Dahil sa wala akong kaibigan tuwing bakasyon kung anu-ano nagiging problema ko. Malapit na magpasukan, di ko nga alam kung kelan ako makikipagkaibigan sa mga kaklase ko eh. Bahala na.

Sunday, 12 May 2013

Dilim

Ako ay nasa kwarto ko ngayon. Nagbabasa ng comics sa internet. Madilim. Hindi naman sa takot ako sa dilim pero takot ako sa hindi ko alam. Wala talaga akong dahilan para magblog ngayon eh pero wala. Parang di nau-update yung blog ko. Tingin ko lang naman.

Ang post na ito ay walang kinalaman sa Mothers Day. Okaya sa eleksyon. Hindi ko pag-uusapan dito yung mga bagay na wala naman akong alam okaya natural na pangyayari na kaya hindi na kailangang pag-usapan.

Pero eto lang masasabi ko sa ngayon. Dahil malapit nang magsimula ang buhay ko sa college, nais ko lang balikan yung mga araw na nakaapekto sa kung anong mga school ang papasukan ko.

Malaking bagay sakin ang pag-aaral, nasabi ko na. Diyan na kasi nakasalalay kung anong future mo. Maliban nalang kung alam mong talentado ka hindi ka nahihiyang ipakita yung talent mo sa mundo. Instant na pagsikat yun. Sa totoo lang hanggang ngayon di ko alam talent ko. Kaya medyo alanganin ako sa buhay, lalo na rin nung di ko pa alam kung anong magiging school ko. Pag di ka rin sigurado sa kung anong kaya mong gawin, mag-aral ka nalang ng mabuti at pag-igihan mo yung mga entrance exam mo. Hindi yan biro.

At since mahalaga sakin ang pag-aaral, mahalaga saking makapasa kahit saan sa big 4. Dapat alam mo na yan, UP, ADMU, DLSU, UST. Dapat may sure ball kang papasahan diyan. Di ko sinasabing guguho na buhay mo pero mahihirapan ka na maghanap ng trabaho kung di ka diyan.

Hindi kasi porket may school ka na, eh sa paghahanap ng trabaho madali pag nakagraduate ka. Iba iba talaga ang school. At di rin porket natapos mo yung kurso mo makakahanap ka agad ng trabaho. Ganto kasi yan, nag entrance exam ka sa big 4. Wala kang pinasahan. Tapos nagkaroon ka ng school na hindi ganoon kasikat. Tapos pag graduate mo, may mga kalaban ka na sa paghahanap ng trabaho. Eh pano kung may kasabay kang grumaduate ng UP. Eh iisa lang ang makakapasok. Alangan namang ikaw pa unahin nila.

Hindi ako nananakot. Yan lang naman kasi yung totoo. Hindi rin ako nangmamaliit ng iba pang mga eskwelahan. Iba-iba kasi ang standards ng mga paaralan. Pwedeng yung dos mo sinko na sa iba. At para hindi ka matakot, magseryoso ka.

Saludo ako sa mga batang high school pa lang alam na nila kung anong pangarap nila. Yung mga may goal na sa buhay. Hindi kasi ako naging ganon. Naging "bahala na" ang buhay ko. Pero nasalba yan nung nagfourth year na ako. Iniisip ko na yung sarili ko bago sa mga kababawan ng iba. Gusto kong may marating sa buhay kaya pinilit kong umayos pa yung buhay ko. Pero inatake na ako ng katamaran nung may mga school na ako. DLSU at UST. Masaya ako. Pero di pa dun nagtatapos yon.

Ilang buwan nang nakalipas. Sa totoo lang gusto ko sa Ateneo kasi malapit. Pero wala, since hindi ko na-practice ang English ko eh wala. Seryoso kahit magaling ka pa sa math pero bano ka sa english wala. Kung filipino naman trip mo dapat yung swabe. Hindi npwede yung modernong tagalog.

At kahit di ako umaasa sa UP nangarap rin naman ako. Ang UPCAT kasi madali lang talaga yan. Kailangan sobrang maingat ka lang. Pero hindi sapat yung oras para hindi ka mag-ingat. Masaya sana sa UP. Mag-ingat ka lang sa mga tao sa paligid mo. Pero yung pag-aaral, mas iba.

Strikto naman sa UST. Sa course ko. Kung nabasa mo yung Divergent parang ganun yung pakiramdam. Di ka pa opisyal kahit nakapasa ka na. Ang first year namin mahigpit. May cut-off eh pag di ka umabot, factionless ka na. Pwede pa namang lumipat sa ibang college pero medyo alanganin na. Basta strikto kaya ayoko munang magyabang.

Sa DLSU naman di ko inexpect na papasa ako kasi yun yung pinakamahirap na exam na nakuha ko. Kahit yung sample question di ko alam yung sagot eh. Pero wala, di ko talaga alam. Basta alam mo lang yung basic ng english math at science eh siguro ayos na. Wag ka lang mabobobo pag nageexam ka na, kailangan lahat masagot mo.

Andami kong naiisip sa dilim. Naparami tuloy yung sulat ko, boring na basahin. Ayos lang, tingin ko naman walang nagbabasa. Basta nakakapressure ang paghahanap ng skwelahan, maghanda ka na. Maghanda ka na rin magsisi pag di ka pumasa sa gusto mo. Okay lang yan maraming nakaranas ng ganun.

Thursday, 9 May 2013

Tula 2 (Ang Pagkamit)

Sa umaga, ikaw agad ang naiisip ko
Kaya naman ang araw ko ay kumpleto
Pero kapag hindi kita nakikita
Masakit isipin at sobrang nakakapanghina

Akala ko dati ako'y isang alipin
Akala ko noon hindi ka mamamansin
Pero ngayon wala nang problemang iisipin
Dahil ngayon ikaw na ay nasa akin

Tayo na nga hindi ba
Pero bakit parang may kulang pa
Bakit mo ako tinatrato nang ganto
Hindi ko inakalang meron kang pusong bato

Sana naman maisip mo
Mahal kita, yan ang totoo
Hinahayaan ko na ngang magmukhang tanga
Pero wala, iba ka rin pala

Hindi mo pala ako kayang mahalin
Pananakita lang pala ang kaya mong gawin
Ito ay napakasakit para sa akin
Ako rin pala ay magiging alipin

Ngayon ako ay lilisan na
Di bale, makakahanap din ako ng iba
Yung taong marunong magmahal ng totoo
Di kagaya mong maganda nga, pag umibig naman ay bobo

Tula 1 (Kanto Boy Lover Boy)

Kung alam mo lang kung anong laman ng utak ko
Makikita mo lang ang sarili mo
Madalas kitang naiisip, mahal ko
Sanay mahalin mo na rin ako

Hindi naman sa ako ay desperado
Naisip ko lang na matagal na kitang gusto
Pero hindi ko malalaman ito
Kung di ko pa narinig ang sigaw ng aking puso

Hindi mo pa rin ba naririnig ang sigaw ko?
Kailangan pa bang magpunta sa iyong kwarto?
Sana naman maintindihan mo ako
Hindi naman ako tulad ng iba diyang manloloko

Inaamin kong tambay lang ako
Pero masama bang tumambay sa puso mo?
Pwede rin namang habang buhay na ako diyan
Para hindi mo na ako makakalimutan

Binigyan na kita ng oras para maintindihan
Ang mga sasabihin kong alam kong wala kang pakialam
Pero alam kong hindi mo alam na gusto na kitang halikan
Alam ko rin namang hindi ako kapangitan

Masaya akong alam kong ako'y nabiyayaan
Makakita ng tulad mong babaeng kagandahan
Sana kasi mas mataas pa tayo sa kaibigan
Pinapangako ko sayong ang langit iyong makakamtan

Sabihan mo man ako ng manyak minsan
Wala naman talaga akong pakialam
Mahalaga sakin maramdaman mong meron akong nararamdaman
Para sa katulad mong tila diyosa ng mga kababaihan

Monday, 6 May 2013

Pano Lumalaki Ang Ulo ng mga Tao

Sabi nila pag malaki yung ulo mo, mayabang ka. Minsan sinasabi rin nila na "mahangin". Di ko alam kung bakit kasi naririnig ko lang yan at di ako interesadong malaman ngayon. Pero pano nga ba sila nagiging mayabang?

May mga taong sadyang mayabang. Kasi ganun sila lumaki eh. Mahalaga nga ang lugar at paraan ng paglaki ng isang bata. Malaking impluwensya ang mga nakikita niya sa paligid niya habang tumatanda sila. Minsan nakikita nila sa magulang nila. Okaya naman ginagaya nila yung mga kaibigan nila. Ganyan ang bata, "monkey see, monkey do." Kaya kung may kasama kang bata sa kahit saang lugar at lalo na kung ka-anak mo yun, mag-ingat ka sa mga ginagawa mong nakikita niya. Matanda ka na, dapat alam mo na yan.

Meron din namang tinuruan sila para maging mayabang. May mga pamilyang mataas ang pride. Tila natural na sa dugo nila yon at hindi na mababago maliban nalang kung gusto nilang baguhin. Minsan kasi sanay na sila. Lalo na kung ma-pera, makapangyarihan. Parang sa panggagaya din ng bata pero ito, mas natural na sa kanila.

Meron namang mayayabang na sadyang maarte lang. Mataas ang tingin sa sarili. "The best in the world" Kung mataas ang tingin mo sa sarili mo kasi marami ka ng nakamit sa buhay mo, ayos lang. Pero yung ang yabang yabang mo na tila hari ka ng Tondo pero di ka naman taga-Maynila, wag kang ganyan. Matuto kang lumugar. Lalo na kung ayaw mong mapahamak.

Tapos may mga taong di nila alam. Wala silang ideya sa ginagawa nila, tingin nila tama yun. Ginagawa nila kasi wala namang sumisita sa kanila eh. Masyado silang malaya. Kadalasan kasi, sarili lang nila iniisip nila. Eto nanaman tayo, ilang beses ko nang inuulit ulit ito pero eto talaga sila. Makasarili. Mahirap silang ma-distinguish kung di ka magaling mag-obserba. Pero simple lang yan. Pag may nakita kang salita nang salita, malaki ang posibilidad na sila yun. Yung tipong hindi na pinapasalita yung kausap. Gusto kasi nila sila yung bida at sila yung sentro ng atensyon. Basta yun na yon. Pag-pabida, wag mo masyadong dikitan. Ayos lang namang makipagkaibigan sa mga taong katulad nila pero mag-ingat ka, malakas kasi ang impluwensya nila. Kung mahina ka, matatalo ka. Yun lang.

Friday, 3 May 2013

Eto ang nangyayari pag lumalabas ako ng bahay

Di ako mahilig lumabas ng bahay. Monday hanggang Thursday may pasok magulang ko. Kaya kadalasan di masarap lunch namin ng kambal ko. Para naman sa hapunan, ako nagsasaing, yun lang alam kong lutuin eh.

Kanina naman nagising ako nang maaga. Hindi naman sobrang aga pero wala pang 8am. Aalis daw kami. Gusto lang umalis ng nanay ko, naawa kasi siguro sakin, di ako nakakalabas ng bahay. (eh gusto ko lang naman magbasketball) Nung una umaayaw ako. Ayokong sumasagot ng mga tanong lalo na't kakagising ko lang. Pero napa-oo ako. Kasi nga baka madismaya yung nanay ko tsaka baka pumunta kami sa mas bigtime na mall.

Ayon nauna akong kumain sa kambal ko ts nauna na rin ako naligo. Mga 10:30 na kami nakaalis. Badtrip kase live na ipapalabas yung Denver - Golden State na laban eh minsan lang yun sa Studio 23, di ko pa mapapanood. Tapos napaka-init pa sa sasakyan namin kasi bulok aircon. Umpisa pa lang ng biyahe sobrang init na. Lalo na nung nakalampas na kami ng Marikina, SM Megamall punta namin. Pero grabe yung traffic mainit na nga sobrang bagal pa ng iuunlad niyo. May mga ibang sumuko na agad pero sabi nung tatay ko nandun na kami eh kaya tumuloy kami.

Tapos ayun, pagkatapos ng halos dalawang oras nandun na kami sa open parking ng SM Megamall. May cement truck sa harap namin. Yung sasakyan sa harap nung truck nakapasok. Tapos nung lumampas na yung cement truck at kami na yung papasok, biglang hinarang ng lalaking nagbabantay yung traffic cone, di na sila magpapapasok. Badtrip eh. Pati daw yung sa SM mismong parking puno na. Kaya uuwi nalang daw kami.

Badtrip na badtrip ako. Ang init na nga eh tapos ganun lang. Kung nagpaiwan nalang ako, napanood ko yung laban ng Golden State at buti nalang nanalo sila at aadvance sila sa second round. Nadadownload ko sana yung torrent ng American Horror Story, na sobrang bagal pa naman na mga tatlong oras pa lang 15% pa lang yung nadadownload. Yung nanay ko pa lalong nakakabadtrip yung mga tanong eh "Gutom na ba kayo" Anak ng tinapang mamamatay na.

Tapos yung tumuloy nalang kami sa SM Marikina, every week na yata kaming napupunta diyan. Lalo na pag grocery, di ko talaga intensyong sumama pag magggrocery lang eh pero di ko alam kung bakit sumasama pa rin ako. Pero naging ayos naman lahat nung nandun na kami. Tapos nakita ko pa yung teacher kong malupit na kakatapos lang mag masters at di na siya magtuturo sa school namin (sorry hehe). Tapos nung kakain na kami natanong pa ng nanay ko na "Nagutuman ba kayo?" Oh shit.

Awkward para sakin lumabas ng bahay. Di ko kaya yung may nakatingin sakin. Pano kasi lalakad ka na nga lang titignan ka pa. Hindi naman sa masamang tumingin pero hindi kasi lahat ng tao komportable pag tinitignan sila eh. Tsaka di ko rin naman ineexpect na may tumitingin sakin eh pero pag may nakaharap sa direksyon ko, sobrang nakakailang. Lalo na pag nagtatrabaho ako. Lumayo kayo sakin. Wag niyo nalang akong pansinin kasi hindi ko hinihingi ang pagpansin niyo sakin, masaya na akong di ako napapansin. Kaya nagugulat ako kasi minsan feeling ko invisible na ako tapos biglang may nakatitig sakin ts ako parang "Pano niya ko nakikita?" Nangyari yan dun sa UST. Grabe ramdam kong namumula ako eh tapos nakangiti pa siyang nakatitig sakin di ko alam kung dahil sa kasama niya o dahil sakin. Ilang beses ko pa siya nahuli na parang di man lang siya gumalaw sa pwesto niya. Di naman sa masama ang loob ko, syempre pero wala lang.

"Awkwardness aside, it is nice to be liked."

Thursday, 2 May 2013

Medyo Boring

Di ko alam kung natutuwa ako pag summer o nalulungkot. Masaya kasi di ako nag-aaral. Walang pressure. Chill chill lang. Pero sa sobrang walang magawa di na rin masyado nakakatuwa. Minsan nakatulala nalang ako. Nahihirapan matulog sa gabi. Di makalabas ng bahay dahil mainit, okaya walang pera. Buong araw akong sa bahay, walang kausap. Siguro kung nakipagpalit ako ng pwesto sa babaeng maarte di siya tatagal sa sitwasyon ko.

Malaking bagay para sakin ang pera sa panahon ngayon. Nagsimula din yon nung nagsimula na rin ang bakasyon. Konti lang naipon ko nung pasukan kasi magastos ako sa pamasahe pag galing sa school. Ginusto kong magstay muna kadalasan sa school kasi nga gagraduate na. Nung dumating yung bakasyon medyo nagipit na sa pera, lalo na't di na ko binabaunan. Isang beses pa lang ako nakabalik sa school para maglaro, isang beses din para kunin yung report card. Pero yun din yata yung mga naparami ang gastos ko nang hindi sinasadya. Boom. Gipit na gipit sa pera.

Ngayon, sa college naman. Dalawang beses pa lang ako nakapunta sa UST ngayong bakasyon. Isang beses wala akong gastos kasi kasama ko nanay ko, pero enrollment nun at sobrang sakit kasi may hawak akong perang napakalaki tapos ayun nga, pang tuition eh. Ang mahal kasi ng tuition namin, yung down payment samin, full payment na ng ibang college. Pero ganun talaga eh. Konsyensya ko nang hindi sayangin yung pera at nasa sakin na kung pagbubutihan ko mag-aral. (syempre oo)

Ewan ko, kung merong GC o Grade Conscious, ako naman conscious sa pera. Cheap talaga ako minsan. Wala akong pake. Minsan naman sobrang gastos ko. Kahit sweldo ng magulang ko alam ko yung date eh. Dapat alam mo rin yan 15,30. Minsan mga 13 o 28 na basta malapit dun sa date tsaka week na yun.

May pakealam talaga ako sa pera. Syempre yan ang dahilan kung bakit ako may internet ngayon. Yan ang dahilan kung bakit ako nagsasoundtrip ngayon at nagtatype ngayon. Ang pera ang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga tao, lalo na sa panahon ngayon. Kaya nga nakakadismaya, mayroon ka lang malaking halaga ng pera pwede mo nang kontrolin ang mga tao. Pera nga minsan ang kahinaan ng tao. Lalo na sa panahon ngayon kasi yan ang simbolo ng kapangyarihan. Pag wala kang pera, patay ka.

Monday, 29 April 2013

Ewan ko

May mga taong hindi ganun kabilis matuto. 'Slow jam' tawag ng tutor ko sa kanila. Napansin ko nga. Kasi pag may kilala kang mabilis matuto, mapapansin mo na rin yung mga mabagal matuto. Minsan nagsisimula yan sayo. Kung puro ka tanong at wala kang maintindihan pag may nagtuturo sayo, ikaw ay isang magandang halimbawa ng isang taong hindi ganun kabilis matuto.

Marahil sa iba hindi big deal kung mabagal o mabilis matuto. Sakin oo. Sa ugaling yan marerelate mo na yung ugali ng isang tao kadalasan. May mga taong madali kausap, may mga taong kakausapin mo, di naman makikinig tapos uunahan ka pa ng kwento niya. Pag may kaharap kang ganun, alis ka na. Di mo siya kailangan.

Yung mga taong mabilis matuto, oo lang nang oo. Madali yan kausap. Kwentuhan mo, maiintindihan niya. Tignan mo lang sa mga action niya kung interesado siya. Minsan kasi oo lang siya ng oo pero wala siyang oras makipag-usap. Gusto niyang makinig pero wala nga siyang oras. Timingan mo nalang din pagkwento mo.

Magtatrabaho muna ang mabilis matuto bago magtanong. Alam na niya yung gagawin eh. Pag nagkamali, tsaka siya magtatanong. Sa lahat ng bagay yan. Kunwari nawawala yung gamit niya, maghahanap muna yan bago manisi ng iba. Yung iba kasi talak nalang nang talak inuuna yung bibig kesa sa mata. Nakakayamot.

Sa mga slow jam naman, ayun nga, sila yung puro salita muna. Wala na silang panahon mag-isip eh. Puro reklamo agad, wala pa ngang ginagawa. Pinangungunahan ng takot pag may bagong gagawin. Hindi naman kasi sila interesado, kadalasang napilitan lang sila. Sila yung nagrereklamo pag nag-aaral. Gagawin ang lahat para maka-iwas mag-aral. Sa classroom, sila yung kadalasang napapagalitan na madaldal. Puro walang kinalaman sa topic yung sasabihin. Hindi talaga interesado. Lumayo ka sa mga taong ganyan kung ayaw mong mapahamak. Kung gusto mo bahala ka, hindi kasi ikaw nagpapa-aral sa sarili mo eh, yung magulang mo. Kawawa naman sila nagtatrabaho tapos mahal yung tuition mo tapos ikaw nagsasayang ka lang ng oras imbis na may matutunan ka. Nakakahiya.

Sila din yung kadalasang insensitibo. Nakakainis eh kaya galit na galit ako sa kanila. Mayayabang, mataas ang tingin sa sarili, lumalaki ang ulo pag pinupuri kaya hindi na tumitigil. Pag kinausap mo sila, tatagal yan, gusto nilang pinapansin sila eh. Magdadrama para may maawa. Sayang oras mo diyan. Sayang din ang space sa mundo.

Friday, 19 April 2013

Love Life

Maraming buhay ang nasisira dahil sa love life. Minsan nga kahit simpleng crush lang. Naiinis ako. Ang daming pwedeng problemahin ng isang bata pero bakit pati love life kailangan niyang problemahin. Halos lahat na yata ng tao sa mundo nadali niyan. Mahirap kapag bata ka palang yan ang naging problema mo. Pagtanda mo, sobra mong pagsisisihan. Iisipin mo kung gano ka ka-immature dati.

Pero may mga taong hindi natututo. May mga batang naka-ilang ex na wala pa ring natututunan. Akala nila ganon lang kasimple yon. Pag nakipagbreak, hanap agad. Parang nakasalalay sa love life ang buhay niya eh. Kating kati. Nakakainis. Ang sagwa tignan ng mga malalandi. Di ko alam kung bakit pero inuulit ulit pa rin nila ang mga pagkakamali nila. Nakakayamot.

Bakit nga ba kailangang may label ka sa buhay ng iba. "Ah eto ex ni ano." "Ay iyan, naging syota ni ano" "Eto si ano, naging sila ni ganto" Tangina nalang. Gusto mo bang marami kang pangalan? Wala akong pakealam kung wala kang pakealam. Sinasabi ko lang na sana may natututunan ka sa mga ginagawa mo. Pero halatang wala eh. Kasi inuulit ulit mo pa rin. Tanga ka ba talaga?

Dahil sa pamumuhay ng tao, malalaman mo kung pano siya natuto. Gawin nalang nating halimbawa ang mahihirap. Yung mga tumandang walang trabaho. Ibig sabihin nun, di siya nakapag-aral. Masakit. Wala siyang natutunan. Pero mas masakit ang sitwasyon na yung mga nabibigyan ng pagkakataon matuto, pinapalampas lang nila ang pagkakataon. Porket kasi may pera na sila, solb na sila sa buhay eh. Pero balang araw, matututo din sila diyan.

Kung mapapansin mo, mahalaga sakin ang pag-aaral. Mahalaga sakin pag may natututo. Hindi kasi tamang may nagsasalita para sayo tapos wala ka namang matututunan. Kaya ako hindi ako mahilig magsalita eh. Kasi alam ko yung ibang tao walang pakealam. Di nakikinig. Gusto nila sila palagi yung pinakikinggan. Kaya pinipili kong magsulat nalang. Kasi di naman to pwersahan eh. Kung gusto mong magbasa edi ipagpatuloy mo. Kung tingin mong wala kang mapapala edi umalis ka na. Wala akong pakealam sayo.

Kaya balik tayo sa love life. Ngayon, kung nag-aaral ka, hindi requirement ang love life para makagraduate. Ikaw bahala kung kaya mo pagsabayin. Pero may mga bagay na nasa tamang oras at tamang lugar ginagawa. Hindi pasyalan ng mga mag-iirog ang skwelahan. Respeto nalang sa lugar. Wala talagang problema sakin yung may syota ka ts nagkataon lang na parehas kayo ng school kaya lagi kayong magkasama. Pero kung nasa public place kayo, alalahanin niyo nalang na may mga nakakakita sainyo. Mag-ingat nalang kayo sa mga aksyon niyo.

May mga tao talagang immature, naiintindihan ko yun. Malamang dahil hindi pa sila natututo. Sabi nga nila mas madali matuto pag naexperience mo na. Kaya kung may gusto kang matutunan, edi gawin mo. Nasa huli ang pagsisisi. At sana pag may ginagawa ka, sana nga may natututunan ka. Madali lang magkamali at madali ding matuto sa pagkakamali. Kaya ka nga nagkakamali para alam mo yung mga dapat na hindi mo ginagawa eh. Kung ikaw yung taong nakailang ulit na ts wala pa ring natututunan, good luck nalang sayo. Bahala ka sa buhay mo, nasa huli ang pagsisisi.

Wednesday, 17 April 2013

Paninindigan

May mga taong hindi mo maintindihan yung paniniwala. Kung anu-ano pinagsasabi. Alam nilang tama sila. Pag-iisip nila yun eh. Pero pano nila nalaman yung paniniwalang yun? May patunay ba sila? May nagsasabi sa kanila kaya lang sila naniwala? Na-uto lang ba sila?

May mga tao ding pabago bago ng isip. Hindi tuwid ang pag-iisip. Minsan ganto ts magiging ganyan. Di mo alam kung anong tunay na kulay. Minsan sasabihin niya ayaw niya ts mamaya gusto na pala. Bakit ang gulo? Bakit nga ba may mga taong ganun? Bakit di nila kaya panindigan yung sinasabi nila?

May mga tao kasing salita nang salita, di na nag-iisip. Tapos yung iba, gumagaya nalang sa opinyon ng iba. Kasi di naman nila alam yung nangyayari, eh gustong makisali kaya nakikisang-ayon nalang sila sa mga sinasabi ng iba. Pero bakit di nalang sila magkaroon ng sariling opinyon? Bakit takot silang husgahan sila ng iba? Bakit kasi may mga taong napakayabang kaya hindi na sila nakikinig sa opinyon ng iba

Minsan magulo rin ako. Lalo na pag nadadala nalang ng sitwasyon at wala ng oras para mag-isip. Pero madalas kasing wala akong kausap, lalo na ngayon kaya marami akong oras para mag-isip. Kaya minsan hindi sanay ang utak ko na mag-isip pag may kausap na iba. Nakasanayan na eh.

Paninindigan. Para sakin, mas napaninidigan ko mga sinasabi ko kesa sa mga ginagawa ko. Eh ganun talaga eh, wala na akong magagawa. Kaya malaking bagay sakin pag may mga taong hindi napaninindigan yung mga sinasabi nila. Nakakasama ng loob ng ibang tao yung pag let down mo sa kanila eh. Kaya maraming umaasa sa mundo eh, kasi may nagpapaasa.

Karamihan sa mga taong kilala kong hindi kaya panindigan ang mga sinasabi ay mga lalaki. Di dahil sa karamihan ng kilala ko ay lalaki pero napapansin ko rin naman eh. Kaya nga karamihan sa mga lalaki nambobola. Ang mga babae kasi, sabihan mo lang ng kahit anong maliit na bagay, maniniwala agad. Kaya naman natuto nang i-take advantage ng mga lalaki ang gantong sitwasyon sa mga babae.

Masakit isiping nakakasakit ka ng ibang tao. Kung di ka nakokonsyensya, eh tinubuan ka na ng sungay, di mo lang napansin. Pag may sinabi ka, panindigan mo. Touch move. Lalaki ka eh. Marangal maging loyal at pag ginagawa mo talaga yung sinabi mo. Para di ka kabilang sa mga lalaking karaniwan na sinasabihan ng "manloloko."

Tuesday, 16 April 2013

Dalaw

Kung may monthly visit ang mga babae, meron din ang bahay namin. Monthly visit ng mga ipis.

Wala akong ginagayang author na may artikulo tungkol dito na mababasa sa itim na libro. Totoo kasi ang sinasabi ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagpapapansin ang mga ipis buwan buwan. Kung agresibo sila, may dalawa o tatlong nilalang ng demonyo ang dumadalaw samin sa isang linggo.

Para silang tao minsan eh. Lumilitaw kung kelan di mo inaasahan. Maaaring alam nilang hindi natin sila gusto pero pinipilit nilang maging parte ng buhay natin. Hindi mo naman sila hinihingi pero kusa silang dumarating. Pero may mga taong natatakot. Hindi nila alam ang gagawin. Takot silang masaktan at takot silang manakit. Kahit wala pa nga, ayaw na agad nila. Di pa nasusubukan, suko agad. Yan tayo eh.

Bakit nga ba may mga taong ayaw bumitaw sa nakasanayan? Mas maganda ba kapag playing safe tayo sa buhay? Mas mainam na nga ba kung dun tayo sa palaging sigurado? Eh pano tayo matututo? Pano tayo magkakaroon ng kaibigan kung hindi tayo kumakausap ng mga taong hindi natin kilala? Pano tayo makakadiskubre ng mga bagay na hindi pa natin alam?

Siguro ngang walang "tama" sa mundo. Walang tamang paraan ng pamumuhay. Walang tamang paraan ng pag-iisip. Walang tamang paraan sa lahat ng bagay na ginagawa natin. Siguro nga. Kasi kung mayroong tama, mayroon ding mali. At may mga bagay na sa paningin natin tama, mali sa ibang tao. Kung ganon, magkakaroon lang ng gulo. Wala naman kasing paniniwalang tama dahil paniniwala nga lang yon. Hindi naman porket naka-taga sa bato, paniniwalaan agad natin. May mga bagay talagang kailangan ng matibay na patunay para tayo ay maniwala at matuto. Nakakatawa nga lang na pag nag-aaral tayo, ang nakasulat na sa libro ay hindi pa tayo interesadong matuto at maniwala.

Balik tayo sa sitwasyon ko ngayon, may ipis sa kwarto, nakapatay ang ilaw. Bawas na ang lakas ng ipis pero hindi ko alam kung kaya niya pang lumipad o lumakad. Sana tamad din ang ipis at nahihirapan ngayon, tulad ng mga taong hindi interesado matuto. At sana sa pagbisita niya, bisita lamang ang gawin niya, hindi yung magiging bahagi na siya ng buhay ko ngayong hanggang sa katapusan. Sana'y maging ala-ala na lamang siya makalipas ang ilang oras o araw. Ang tapang mong ipis ka kahit galit ako sayo, wag kang mag-alala inaalay ko sayo itong post na to.

Di ako magaling gumawa ng title

Karamihan nga sa mga tao ngayon, overweight na. Obese. Hindi ako nang-aasar. Sinasabi ko lang kung ano nakikita ko. Pero hindi lang yan ang masama. Hindi na nga sila nag-eehersisyo, ang tamad pa nila. Yung tila wala man lang lakas ng loob para kumilos man lang. Umaasa na sila sa ibang tao para mabuhay. Ayoko sa mga taong laging umaasa para mabuhay. Edi sana hindi nalang nabuhay yung ibang tao kung paglilingkuran nila.

Katamaran na ang uso ngayon. Dahil sa wifi. Dahil sa cellphone. Maglalakad lang papunta sa tindahan para bumili ng tsitsirya, kailangan dala pa ang cellphone dahil sa syota. Lecheng syota yan bibili ka na nga lang ng pagkain kailangan pang kausap ka. Pero di nga, sa lahat nalang ng gagawin mo, kailangang may tinetext ka pa? Kaya wala kang natatapos eh. Mamaya makakalimutan mo na yung ginagawa mo. Ts tatamarin ka na. Wala na, sayang ang oras, sayang ang buhay.

Pero may mga tao ring hindi kumakain pero di sila pumapayat. Kawawa naman. Sinasabi nilang "Di ako kakain para papayat na ako." Kung ganyan ka, pwede ba, wala yan sa kinakain. Nasa ginagawa mo yan. Kung sadyang tamad ka walang ikagaganda yang katawan mo. Di lang naman kasi ako concerned sa ikalulusog mo, iniisip ko lang yung nasayang na pagkaing hinanda para sayo ng magulang mo.

Alam mo, sa panahon ngayon, mahirap pag nagsasayang. Ang dami ng mahal na bilihin. Tapos ikaw kung anu-ano pa pinapabili mo. Hindi lang yon, sayang kasi yung pagtatrabaho, paghihirap na dinadaanan ng mga taong hinihingan mo. Kaya saludo ako sa mga taong naghihirap para makuha yung gusto nila, kesa dun sa mga walang ginagawa sa buhay pero nakukuha rin nila yung gusto nila. Mali kasi talaga eh.

Monday, 15 April 2013

Bakit Hindi Dapat Ma-Drama ang Graduation

Unang araw pa lang ng pagiging fourth year high school, kahit di ko pa masyado kilala ang mga katabi ko, naisip ko nang hindi magiging madrama ang graduation. Nung fourth year ko lang talaga narealize yan, di ko kasi masyado iniisip dati. Pero dahil may ibang nagdadrama na "Hala fourth year na tayo" "Hala di na ako high school" "Hala ang tanda ko na". Dahil diyan, narealize kong tama sila. Pero hindi tama ang magdrama.

Sa panahon ngayon, di na uso ang mamiss ang mga taong ka-edad natin. May facebook at twitter para diyan. Para sakin, mas mahalaga ang pamilya ko kaysa kaibigan. Siguro nga naiinis ako minsan sa pamilya ko pero wala naman akong magagawa eh, tsaka automatic na nandiyan sila. Kaysa pag sa kaibigan ka umaasa, di naman sila permanente sa buhay mo, iiwan at iiwan ka rin nila.

Baliktad kasi sa pamilya, patanda ka nang patanda, tsaka mo sila iiwan. Ang mga kaibigan naman ay nandiyan sila sa punto ng buhay mo pero aalis din yan. Di pwedeng kayo kayo ang magkakasama hanggang sa mamatay kayo. Kaya wag kang mag-alalang di mo pa sila makikita, di mo naman talaga sila kaano-ano eh. Kausapin mo sa facebook, i-tweet mo sa twitter. Madali lang.

Siguro di madrama ang graduation sakin kasi lalaki kaming lahat. Pero syempre, may mga umiyak din. Para sakin, balewala talaga yon. Karamihan samin, tatambay sa school namin ngayong bakasyon para maglaro. Sabi kong di ko talaga mamimiss ang high school kase alam kong babalik din ako matapos ang ilang linggo. Ayan na nga. Tapos nakikita ko rin yung mga taong nagsi-iyakan. Ano ba naman yan.

Siguro nasasabi ko lang to dahil di talaga ako yung taong mahilig sa drama. Pag may naiisip ka, edi isipin mo. Isipin mo rin kung sulit ba itong ipamahagi sa iba. Di yung magpopost ka sa facebook mong nalulungkot ka. Kung gusto mo ng tulong, lumapit ka dun sa mga taong alam mong makakatulong sayo. Wag ka na magparinig, di ka pinanganak para maging epal.

At kung may namimiss ka ngayon, kausapin mo. Itext mo. Ichat mo. I-tweet mo. Ikaw bahala. Hindi naman bawal yan eh. Sabihin mo lang kung anong nararamdaman mo. Wala namang mawawala sayo, diba?

Wednesday, 10 April 2013

Ang alam ng lalaki sa babae

Sa mata ng lalaki, ayos ka na kung maganda ka. Mapunta ka man sa ibang planeta eh pag may makakita sayo hangga't maganda ka, wala problema diyan. Ang second level naman, dapat maayos. Yung marunong gumalang, mahinhin, at kampante lang. May mga babae ring maayos naman pero marunong din magpatawa. Ayos yon, pinapakita mong confident ka. Wag lang yung nagpapatawa ka eh yung tawa mo naman mas malakas pa sa lalaki, uso mahiya. Kung mababa ang tingin mo sa sarili mong itsura at masyado kang mahiyain, medyo mahiraphirap na yan. Dapat alam mo kung san ka magaling. Hindi pwedeng wala kang alam sa mundo. Mas maganda ang babae pag maraming alam. Turn on yun.

Medyo magulo yata ako kaya lilinawin ko. Sa first level, eto yung mga oras na unang kita pa lang sayo sa mga lalaki. Syempre dahil tao ka at tao tayo lahat, maghuhusgahan tayo. At bilang lalaki, sa unang level pag nakita ka nila dapat maayos ka. Bale ang first level = appearance. Kaya wag ka na magtaka kung bakit sa unang araw ng klase at may nagkakagusto na sayo, ibig sabihin maganda ka. Magandang balita yon, yung simpleng alam mong may nagkakagusto sayo, pero wag lang sa masamang paraan.

Sa first level din, kung tingin mo sa sarili mong hindi ka ganoon ka ganda, kahit sa pananamit lang dapat marunong ka. Tsaka dapat naaayon kung nasan ka. Hindi yung puro magagandang damit susuptin mo pero palengke lang naman pala pupuntahan mo. Hindi rin ganoon nakakatuwa kapag nagsusuot ka ng masyadong revealing na damit. Nakakairita. Wag kang manubok ng lalaki kung di mo kaya panagutan kung ano ang mangyayari. Nasa huli ang pagsisisi.

Sa second level, eto lang, ugali. Hindi nakakatuwa na mas malakas pa yung boses mo sa lalaki pag nagkkwento ka, kahit babae pa kausap mo. Hindi rin maganda na bastos ka, as in walang manners. Parang wala kang pinag-aralan. Lalo na kung ang school mo yung pang bigtime at sikat. Tapos exclusive for girls. Kahit pareparehas kayong babae kailangan may manners. Pangit tignan lalo na sa pamilya mo. Mukhang pinalaki ka nila na wala silang pakealam. Eto mahalaga: pangit ang maraming ex. Tama. Hindi maganda tignan lalo na kung 14 ka pa lang!!! Di maganda pakinggan eh. Sa edad na yan dapat nag-aaral ka pa lang. Tapos sasabihin mo naka 7 na ex ka na?! Nahiya naman kami sa experience mo. Dahil sa 7 na ex mo, naglitawan din ang mga 7 sa card mo, nakakahiya. Eto pinakamahalaga sa lahat, dapat may alam ka. Nasabi ko na yan. Di bale na kung panglalaki yung alam mo o pambabae. Basta sa buhay mo, dapat may isa kang field na expert ka. Kunyari, mahilig ka sa music, maganda na yon. Pero dapat alam mo yung ginagawa mo, hindi yung basta basta mo nalang ginagawa. Best example kasi dito ay talino, pero di naman lahat ng tao matalino. Kaya nga dapat may bagay na expert ka talaga. Kunwari mga sapatos. Kung mahilig ka sa sapatos dapat alam mo lahat yun. Kahit mga Nike lang okaya Adidas. Okaya dapat alam mo rin ang history ng Air Jordans. Maganda kasi pakinggan kung may alam ka talaga eh, mukha kang matalino. Di bale nang bagsak ka sa card mo pero dapat lang talaga may ipagmamalaki ka sa ibang tao.

Hindi ko sinasabing kailangan mo to lahat. Eto lang kasi madalas pinapansin ng mga lalaki eh. Kung hindi sa looks, sa attitude. Ang babae ay babae. May mga katangian kayo na maganda at interesting para sa mga lalaki kaya may nagkakagusto sainyo. Hindi ko rin dinidikta kung pano ka dapat mabuhay. Ang post na ito ay para dun sa mga babaeng naguguluhan pag tungkol sa mga lalaking nagkakagusto sa kanila. Basta yun.

Tuesday, 9 April 2013

Ang init

Summer nga naman. Nakakainis. Sobrang init. Tapos sa pasukan naman, tag-ulan. Ang malas pa don, sa UST na ako mag-aaral. Mahirap pag tag-ulan tapos sa UST mag-aaral. Yan ang sabi nila.

Naisip mo na ba kung bakit kailangan tuloy tuloy ang pag-aaral? Isa ka ba sa mga batang sasabihin na "Ay, titigil muna ako ng isang taon. Pagod na ako, kailangan ko muna magpahinga sa pag-aaral." Kung ganyan ka mag-isip, mag-ingat ka. Medyo alanganin yang binabalak mo. Ang bawat paglipas ng oras ay mahalaga. Kaya nga may mga bagay na hindi ka dapat pinapalampas. Kasi kunwari, etong mga segundong nagsusulat ako, okaya sa mga segundong ginagamit mo habang binabasa mo to ngayon, hindi na yan mauulit. Segundo pa lang yan. Pano pa kaya pag minuto, oras, araw, linggo, buwan, taon? Pag may pinapalampas ka, nasasayang ang pagkakataon. Mag-isip kang mabuti.

Dito sa Pilipinas, malapit na ilabas ang K-12. Dagdag dalawang taon yan sa pag-aaral. Wala akong masyadong alam diyan pero ang alam ko lang, kung mahal ang tuition sa high school mo ng isang taon, isipin mo pag nadagdagan pa ng dalawang taon. Gastos nanaman? Tama. Aksaya sa pera? Hindi masyado. Depende kung ano ang ginagawa mo sa school. Nasa school ka para mag-aral, hindi makipaglandian. May tamang oras para diyan. Pero hangga't nasa school ka at may tinuturo sayo, sulitin mo yung pagkakataon. Nagbabayad ka eh tapos hahayaan mong wala kang matututunan. Tsaka kung tamad ka rin lang edi wag ka na pumasok. Wag ka kasing sumuko, kung kaya ng iba, kaya mo rin yan, tiwala lang.

Pagkatapos mo sa high school, college naman. Ngayon, pwede kang palipat lipat. Bahala ka. Iba iba rin naman ang tuition. Pero iba-iba din ang kalidad ng pagtuturo. Diyan ka mag-iingat. Tsaka kung palipat-lipat ka, matatagalan ka lang din. Mahirap talaga pag wala kang direksyon sa buhay. Baka kung san ka mapadpad, sayang ang mga perang ginastos mo, sayang ang mga panahong may nagawa ka sana, sayang ang buhay mo.

Ngayon sa Pilipinas, hindi porket nakapagtapos ka magkakaroon ka agad ng trabaho. Walang sureball na trabaho sa Pilipinas maliban nalang kung pinanganak kang nakasulat na kung ano ang gagawin mo sa buhay. Malaki rin kasi ang impact kung saan ka nag-aral. Hindi kasi pareparehas ang standards ng mga school at mga kompanyang pagtatrabahuhan mo. Di talaga sapat na nakapagtapos ka lang.

Ang pag-aaral ay hindi rin magtatapos sa college. At kahit maganda rin ang school na napagtapusan mo, di pa rin sigurado ang buhay mo. Nakatapos ka nga di ka naman kumikilos. Kung gusto mo umunlad, bawal ang tamad.

Sa mga pagdadaanan mo, may mga bagay na kung ginagawa mo dati, maaaring makatulong sayo sa kasalukuyan. Experience is the best teacher nga daw. May alam ka nga pero hindi mo pa nararanasan, alanganin pa rin. Sa college, marerealize natin na kung nagtino lang tayo nung high school, maganda sana yung Unibersidad na papasukan natin. Di lang yon, kung nasanay din tayong mag-aral ng mabuti nung high school o grade school tayo, maaaring madala natin yung habit hanggang sa college. Mainam, hindi ba? Sa paghahanap ng trabaho, kung natutunan lang natin kung pano maging independent nung nasa kolehiyo tayo, sana sanay ka na. Kahit sa high school dapat matutunan mo nang maging independent. Kung gusto mong mabigyan ng halaga yung buhay mo, ipakita mo kung bakit mahalaga ang buhay mo.

Kung ikaw yung taong masaya na sa buhay niya kahit petiks lang, masaya ka nga, pero may natutuwa ba para sayo? Isipin mo yung magulang mo, pinag-aral ka nila tapos ganyan ka lang pala. Tapos yung mga naging kaklase mong kinopyahan mo, dinaya mo, naghirap sila. At minsan, ikaw pa ang dahilan kung bakit sila naghirap sa mga panahong iyon. Kung gusto mo talagang makatulong, isipin mo rin yung iba, hindi lang dapat ikaw yung masaya. Wag ka na ring humingi ng utang na loob, mahiya ka naman, ikaw na nga yung may utang na loob eh.

Yun lang.

Tuesday, 2 April 2013

Hello

Natatawa ako kase di ko alam kung bakit may nagbabasa ng blog ko. Kasi naka-post sa internet? Hindi. Di ko lang kasi alam kung anong napapala niyo sa mga pinopost ko. Siguro wala ka lang magawa. Okaya napindot mo lang. Pero iba kasi yung feeling na nakikita mong may tumitingin sa blog mo at nakakaintriga. Hehe. Sana sa pagbabasa mo, may natututunan ka sa mga sinasabi ko. Di ko sinasabing may tinuturo ako pero sinasabi ko lang na sana may narerealize ka naman sa buhay mo. Tignan mo yung sakin, sabog sabog. May mga bagay nga kasing hindi natuturo ng eskwelahan kaya pahalagahan mo yung mga bagay at impormasyon na binibigay sayo ng ibang tao. Malay mo magamit mo yan. Kunyari sa pakikipagkaibigan. Sabihin mo opinyon mo tungkol sa nangyayari sa paligid mo. Magmumukha kang matalino. Hindi yung puro ka pagyayabang wala namang mapapala yung kausap mo sayo. O may naturo na ako. Ayos. Di ko rin talaga narerealize eh pero go lang. Pero bye na pala, sa susunod nalang ulit.

Anyare

May mga oras talagang bigla mo nalang naiisip kung ano bang meron sa buhay mo. Kung sulit pa ba to. Kung bakit ka pa nabubuhay. Bakit marami kang problema. Bakit yung iba parang walang ginagawa pero umuunlad pa rin yung buhay at nakakalusot pa rin sa mga problema.

Nakakainis. Minsan naiisip mong mali ka pala. Tapos di mo alam na mali pala yung ginagawa mo. Tapos hindi mo alam kung bakit mo nagawa yon. May mga bagay kang hindi alam na kailanman ay hindi tinuro sa paaralan. Pero bakit? Yung mga mahihirap na bagay ang madaling isipin. Pero yung mga bagay na madaling gawin, ang hirap isipin. Bakit ganun?

Tulad na lamang ng isang robot. Magandang ideya para sa mga thesis o investigatory project. Pero ang hirap naman gawin. Tapos may mga simpleng bagay na nasa harap mo na, di mo pa rin makita. Mahirap. Bakit ganun.

Bakit may mga bagay na mahirap paniwalaan? Bakit kailangan pa ng patunay para maniwala? Dahil sa iba-ibang ugali ng mga tao sa mundo? Eh bakit kasi hindi nalang tayo maging tapat at totoo sa mga sinasabi natin? Bakit kailangan nating manloko ng iba at sa ganoong paraan ay di natin nakikita na niloloko na rin natin ang ating sarili?

Bakit nga ba mahirap mabuhay ng normal?

Siguro dahil wala naman talagang normal na buhay. Kung iyong iisipin, patas lang talaga tayong lahat. Naghihirap. May mga tao lang talagang magaling magtago ng paghihirap at magaling humanap ng kasiyahan sa buhay nila. Hindi naman kasi lahat ng kasiyahan ay matututunan natin sa eskwelahan. May mga bagay na hinihiling kong sana tinuro nalang sa eskwelahan, sabagay at nandoon ka na rin, para naman yung mga simpleng bagay kaya na nating gawin. Siguro ang pagiging simple nalang ang magiging dahilan para mabuhay tayo ng "normal."

Friday, 29 March 2013

Holy Week

Sa totoo lang, hindi ko alam kung pano talaga sine-celebrate ang Holy Week. Di ko alam kung bakit. Isa lang ang natatandaan kong pag-celebrate ng holy week. Bata pa ako nun at nasa probinsiya kami. Pinalabas kami nung kaibigan ng mama ko, tapos yun, yun lang ang pinaka-una at pinaka-huli(sa ngayon) na nakita kong prusisyon. Sabi namin pag Holy Week pupunta kami sa probinsya pero di ko alam kung bakit hindi na natuloy kailanman.

Sa mga nakaraang Holy Week netong high school ako, wala ako masyadong maalala. Siguro nga kasi wala naman kaming ginagawa at nasa bahay lang kami. Pero solid, wala ka talagang magagawa pag nandito ka sa bahay namin. Kahapon buong araw akong tulog, nung hapon na tripan kong mag computer at maglaro sa kongregate.com. Netbook lang kasi gamit ko at wala naman akong console. Ayoko talaga dito sa bahay pag bakasyon, lalo na pag Holy Week. Di naman kasi aktibo magulang ko pag may mga event dito sa Marikina.

Napansin ko rin yon. Sa totoo lang, hindi ko gusto kung pano ako lumaki. Hindi kasi dito lumaki magulang ko kaya kami yung tipong kakaunti lang ang kaibigan sa kapitbahay. Ibang iba kasi pag nasa probinsiya eh. Iba ibang bahay mapupuntahan mo kasi kakilala naman ng magulang mo yung nakatira dun. Pag kinumpara mo dito sa siyudad, tanging bahay mo at bahay lang nga kaklase mo ang mapupuntahan mo. At kung madamot pa magulang mo, di ka makakagala sa bahay ng kaklase mo unless may pasok. Ngayong fourth year lang kasi ako naging ganun. Pero seryoso, parang ang hirap. Kakaiba talaga.

Ayoko talaga ng summer. Eto kasi yung panahong kung saan saan ka ieenroll ng magulang mo. Kahit ayaw mo at napilitan ka lang. Naiinis kasi ako kasi parang wala akong tiwala. Di ko alam kung bakit. Ayaw ko lang na namimilit pag ayaw. Eh kaso yung magulang ko, iba mag-isip kesa sakin. Pero nakakagulat kasi pag naenroll na ako, masaya naman pala. Ayaw mo sa una pero pag nandun ka na okay lang pala at sulit naman pala.

 Nung summer bago mag second year, inenroll kami sa Sports Center na may sports clinic. Ayaw ko pa nun. Mahiyain nga kasi ako at hindi naman ako yung taong mahilig lumabas at makipag-interact sa iba. Di ko pa trip basketball nun kaya inenroll ako sa badminton. Ayos lang, kahit wala ako masyadong naging kaibigan. Di ko naman habol makipagkaibigan nun.

Nung summer naman bago third year, yun nga yung tutor ko. Napunta lang naman ako dun kasi ugok yung teacher ko sa math at bagsak kami lahat. Siguro nga dapat walang honor samin nun eh. Kaya yun, inenroll ako sa Math. Basta nakwento ko na yon.

Nakakainis. Naiinis ako sa magulang ko. Gusto kong mapatunayang kaya ko naman. Kaya nga gusto ko na magpasukan eh. Tsaka mas gusto ko sa college. Mas malaya ako sa paraang may napupuntahan akong kapakipakinabang pagkatapos ng school. Pag high school kasi delikado pumunta kung saan saan kasi pag napahamak ka maaapektohan ka pa sa school mo. Ganun din naman sa college pero iba pa rin.

Trip ko kasi yung may napupuntahang tahimik. Yung tipong walang pakealam yung mga tao kung nandun ka. Nung high school ako, lalo na nung fourth year, covered court ang trip kong tambayan. Di ko trip yung library namin kasi malayo tapos sa recess, di mo alam kung time na o hindi. Sa uwian naman, maaga nagsasara. Tsaka di ko trip yung may mga kakilala ka ts makikita ka nila sa library. Tapos gusto pa nila makipagkwentuhan, kaya ka nga nandun para magbasa eh.

Nung high school din ako, lalo na nung third year at fourth year, dun lang yung oras na natutunan kong dapat ako bumibili sa mga gamit ko, lalo na kung abot naman ng pera ko. Kaya naman medyo naging suki ako sa maliit na mall malapit sa school namin. Pero ayoko rin masyadong tumambay dun kasi nakakailang pag may nakakakita saking kilala ako. Eh ganun ako eh.

Di ko alam kung bakit naging flash back tong post na to. Siguro dahil sa pagpaplano ko sa mga ginagawa ko nung high school na hindi ko na gagawin sa college. Excited na talaga ako. Kating kati na ako. Siguro sobrang naging boring ang buhay ko lalo na netong Holy Week (kasi di kami lumalabas) at siguro sa iba pang linggo ng bakasyon ko. Ang bagal ng oras ngayon. Ganun siguro talaga pag naghihintay. Naghihintay rin ako ng pagbabago sa buhay ko. Sana dumating na.

Sunday, 24 March 2013

First Year Blues

Ayan. Ngayong tapos na ako sa high school ay pwede ko nang makwento ang mga nangyari sakin. Wala lang. Trip ko eh.

Nung first year ako, bago lang ako sa school na yon. Ang natatandaan kong dahilan kung bt ako nilipat ay pangit daw yung high school sa school ko dati. Coed yung school ko dati, tapos ayon, nilipat ako sa all-boys school. Ayos lang. Para maiba naman.

Halos wala akong masyadong maalala. Basta nung unang araw ang pinakapangit na araw na naranasan ko nung first year ako. Sa umaga, akala ko ang aga ng service. Akala ko mga 5am. Pero halos lampas 7 na nung dumating yung service. Buryong buryo ako noon eh. Naisip ko na lang, pag ma-late man ako, marami naman kaming malelate. Tapos yon, pagpasok ko sa waiting area, gusto ko nang bumalik sa service okaya lumabas at magtricycle pauwi. Pero wala, baka hindi rin ako palabasin at mapahiya pa ako. Tapos yon prayer na sa PA at karamihan ng studyante nasa classroom na, meron ding mga late bukod sa mga kaservice ko. Di ko alam kung saan yung room ko. Basta wala talaga akong alam. Mabuti sana kung maaga ako eh pero hindi, wala na. Di ko na mahahanap yung room ko nang hindi mapapahiya. Tapos nasa pinakataas pala ang first year. Oha pahirapan agad. Babae yung teacher, science pala. Kinausap niya ako pero di ko siya maintindihan. Umupo nalang ako sa harap kasi yun yung walang tao. May nakita akong kaschoolmate ko dati, natuwa naman ako. Kaso hindi pa yon sapat kasi gusto agad maglesson ng teacher. Nagtanong pa siya, ako unang pinasagot. Di ako makasagot. Ang dami dami kong iniisip eh ako pa papasagutin niya. Buti naman di pala siya yung adviser namin. Ayos lang. Lalaki pala adviser namin nun. Religion teacher, alumni din ng school. Wala pa rin akong makausap nun kahit homeroom period na. Di ko makausap yung kakilala ko kasi medyo likod siya. Recess na nung nakausap ko siya. Marami pala akong schoolmate dati na lumipat din dun. Kaso isa lang ang kasama ko sa classroom. Half-day naman nun kaya nung uwian na, pahirapan nanaman sa service. Tinext ako nung driver namin, kulay puti daw yung service. Dalawa kasi yung sasakyan eh yung van na pangmaramihan, di ko alam tawag dun eh. Tapos yung puti, parang L300 na mas malaki. Nakita ko yung driver namin sa waiting area, tinuro niya yung service pero di ko rin nakita. Bahala na. Pinuntahan ko, naghintay ako sa kumpol kumpol na sasakyan hinintay ko nalang yung driver namin. Nung dumating siya, pagkita ko sa loob ng service punong puno kami. Badtrip. Ts wala din ako kakilala syempre. Napakaawkward. Di ako masaya pag-uwi ko.

Maraming nangyari. Una kong tropa yung mga schoolmates ko dati pero naiba rin. Nagkaroon ako ng kaibigan na di mo alam kung mabait o nagmamaskara lang siya. Di ko alam kung totoo yung mga kinukwento niya. Nakapunta na rin ako sa bahay nila. Sandali lang yon, naisip ko kasing baka manggagamit lang siya at di ko trip yung mga ganoon yung ugali. Nagkaroon din ako ng kaibigan na magaling magdrawing. Pero nag-away kami dahil di talaga siya mabait. Pranka siya. Nag-away kami kasi nasira niya yung wallet kong lalagyan din ng cellphone. Ayoko kasing may nangengealam ng gamit ko. Natanggal lang naman yung hawakan eh. Pero wala. Magkaparehas kami. Di kami nagsosorry. Pero nung patapos na yung school year nagbati naman kami. Walang sorry sorry. Ganun yung mga taong gusto ko. Di na kailangan ng drama. Pero parang medyo awkward pa rin eh. Naging magkaklase ulit kami nung fourth year at kasama ako sa tropa nila. Ang tropa namin netong fourth year ay yung mga magkaklase ng fourth year. Basta yon. Nakakausap ko naman siya eh. Ayos na.

Naiba rin yung tropa ko nung medyo fourth quarter na. Naging kasama ko sila sa pagdo-Dota. Second quarter nung naging close kami pero di ako masyado sumasama sa kanila, pag nagdodota lang. Nasama na rin ako sa galaan nila. Kadalasang sine at dota lang naman yun. Yung iba, nangchichicks na yung iba hindi. Kasama ako sa hindi. Di ko trip eh. Tsaka mahiyain ako, kahit yung mga kaservice ko di ko nakakausap.

Tapos non first year. Parang wala lang. Wala akong pakealam. Hanggang second year ganon. Walang pake. Bahala na si Batman. Yan ang buhay.

Excited sa College

Di ko alam pero nung nagsimula yung fourth year ko, ang gusto ko nalang ay makapagtapos. Tingin ko mas trip ko ang college. Di na kasi kailangang makisama para maghatakan ng grades, di tulad sa high school. Nakakainis kasi, lalo na yung lecheng thesis at iba pang group projects. Laging dalawa o tatlo lang yung gumagawa. Tatlong group projects na ang nagawa kong ako lang mag-isa. Halos. Basta kakaunti lang talaga ang natutulong ng iba kong ka-grupo. Eh ganun talaga eh. Ang masakit dun, kasabay ko silang grumaduate! Nakakainis. Parang ikaw sobrang naghirap maka-iwas sa kapahamakan ts sila petiks petiks lang ts makakalampas sila ng high school?! Pambihira talaga.

Gusto ko na ring magcollege kasi gusto ko nang maiba yung ginagalawan kong lugar. Di ako nagsawa sa school ko ng high school pero siguro dahil sa mga tao. Wala lang. Tsaka sino ba namang hindi magsasawa at puro lalaki kayo sa iisang school. Kaya iba talaga pag nasa school ka namin ts makakakita ka ng babae. Kahit sa parking lot lang. Kakaiba yung vibes. Kakaiba yung ihip ng hangin.

Pero dahil din sa school ko kaya ako naging mahiyain pagdatin sa babae. Eh wala eh, tapos na. Tsaka bahala na next year. Di naman ako mamamatay sa ka-awkward-an eh. Tsaka next year, pare-parehas lang kayong hindi kilala ang isa't-isa. Mainam yun. Bagong simula. Oha.

Di ko lang alam kung mabilis akong magkakaroon ng kaibigan mo maging dead kid muna ako. Di ko talaga alam. Kinakabahan ako pero naeexcite. Mahilig ako sa pagbabago. Kaya hindi constant ang mood ko. Diba ang galing. Parang abnormal lang. Pero di talaga eh. Minsan ang gulo minsan maayos. Sadyang hindi ako tuwid mag-isip. Sa tabi ng positive, may negative. Kaya rin siguro ang gulo ko magsulat dito sa blog.

At sa ibang balita naman, kinakabahan ako dahil sa mga nababasa ko sa blogs sa papasukan kong course. UST  Architecture. Mga 99% basbas at dasal dahil ako nakapasa. 1% effort sa pagdrawing ko. Basta inisip ko lang na papasa ako. Inisip ko lang na binigyan ako ng Diyos ng lakas ng loob na kunin yung exam. Sabi kong para sa Kanya yun. Ayos naman ang resulta.

Nakakatuwa nung pagcheck ko sa results. Nagtaxi kami papuntang UST. Nagsasabi na yung tatay ko kung pano magcommute papunta dun ts ako nakatulala lang. Tapos yon, nakapost sa may pasukan ng building yung mga pumasa, di ko muna tinignan kung nandun yung pangalan ko, wala lang. Para may thrill. Inumpisahan ko sa A. Wala lang, para maayos, Tapos naghanap ako ng mga kakilala ko. Konti lang. Tapos yon medyo naging spoiler tatay ko kasi tinuro niya yung pangalan ko. Pero ayos lang, nakahinga na rin nang maluwag. Eh tingin ko kasi ang pangit ng drawing ko pero ewan ko parang alam ko ring papasa ako dahil sa dasal.

Proverbs 16:3 "Commit to the Lord whatever you do, and He will establish your plans."
"Para sa Diyos"